fbpx

Paano Gumawa ng Facebook Ads sa Cellphone (Easiest Tagalog Tutorial)

Share this post!

Hirap ka ba kung paano gumawa ng Facebook ads sa cellphone?

Ituturo ko sayo step by step kung paano ka makakagawa agad ng Fb Ads kahit na wala kang computer at mobile phone lang ang gamit mo

Bago tayo magsimula make sure na basahin mo ang buong post na ito dahil may libre pa ako ng ibibigay sayo mamaya na makakatulong sayo sa Facebook advertisement.

Okay ba sayo yun? Simulan na natin ito (Watch below)

Tanong ko narin sayo ano ang product na ipropromote mo gamit ang Facebook ads? Simply post it in the comments below.

Baka makapagproduce ako ng mga future videos and post na Facebook ads tutorial tagalog na makakarelate sa product mo.

Para maimplement mo din ng maigi itong Facebook ads walkthrough na natutunan mo sa video.

Magbibigay din ako sayo ng ilang reminders para makaiwas ka ng extrang gastos at frustrations sa paggawa ng Fb advertisement.

Reminder # 1: Kailangan alam mo ang target market mo.

paano gumawa ng facebook ads sa cellphone bullseye

Para maimplement mo itong paano gumawa ng Facebook ads sa cellphone ng maigi kailangan may idea ka kung sino ang interesado sa offer mo.

Marami kang options na makikita sa Fb ads pero kapag hindi mo maidentify ng maigi sa advertisement mo yun.

Kung saan saan ipapakita ni Fb ads ito at lagi mo ito tatandaan.

If you are targeting to everyone, you are targeting to no one

Let’s say ang produkto mo ay gym membership.

Ngayon sino ang most likely na bibili niyon?

Mga teenager ba? Mga working adults? Mga tambay? o mga senior citizen?

Ano naman ang sitwasyon nila sa buhay?

Healthy ba sila? Busy ba sila sa trabaho? O marami silang oras?

Kapag nagkakaroon ka ng mga ganyang idea, malalaman mo na kung ano ang sasabihin mo sa advertisement mo tama ba?

Mas makakatipid ka nito sa budget mo at mas magiging highly qualified pa ang mga makakausap mo. Ayos diba?

Take your time sa sa pagaral ng targeting mo sa audience mo. It can make or break your advertisement.

Reminder # 2: Dapat Congruent ang Offer mo sa Advertisement mo.

Paano gumawa ng facebook ads sa cellphone

Isa sa pinaka ayaw na mangyayari ni Facebook ay magkaroon ng negative feedback ang mga users niya.

Karamihan ng mga Fb advertisers ay nagkakaroon ng negative feedback dahil hindi related ang advertisement nila sa offer nila.

Kahit na Facebook ads beginner to expert minsan nagkakamali parin sila dito sa offer na ito.

Kailangan mo lang masigurado na kung ano ang pinromise mo sa mga target audience mo.

Yun ang makukuha nila.

Nagpromise ka ng free training, dapat may makuha silang free training.

Nagpromise ka na 1000 lang ang kailangan bayaran, kailangan yun lang ang babayaran nila.

Maging honest ka lang sa mga viewers at target audience mo para mas makaiwas ka na mawarningan ni Facebook ads.

Sobrang hassle talaga kapag naban ang account mo kaya make sure na sundan mo ang reminders na ito.

Tanong ko narin pala, baguhan ka ba pagdating sa Facebook ads? O kaya lagi ka nagfafail at hindi mo nagagawa ng tama ang Fb advertisements mo?

Mayroon akong Free Fb ads crash course at dinesign ko yun para iguide ka step by step kung paano gawin ang Facebook ads ng tama.

Kung gusto mo yun, iclick mo lang yun image sa baba para marequest mo ito.

Paano gumawa ng Facebook ads crash course

Click here to start the crash course

Request mo lang yan para makasama ka din sa mga students ko na ginagabayan ko sa kanilang fb ads campaign.

Kung gusto mo rin makatanggap ng mga mgabibilis na mga tips and trainings na makakatulong sayo.

Puntahan mo lang ang mga social media accounts ko dito at ifollow ako para palagi ka updated sa mga new release of trainings ko.

Click here for more trainings about Facebook ads

Follow me on youtube by clicking the link below

Click here to view and subscribe to my youtube channel

Follow me on Facebook here

Click here to follow and view my Facebook page

Linked in

Click here to follow my linkedin page

See you sa mga next posts and videos!

– Raymond Tabaque
Creator of Facebook ads Formula

#facebookadssacellphone #facebookadstagalog #raymondtabaque

Share this post!

Raymond Tabaque is an entrepreneur, speaker, and digital marketing consultant. He has helped more than 23,000 Filipinos shift their businesses through digital marketing. He started learning digital marketing since 2015 and helped business owners and entrepreneurs implement digital marketing in their businesses.

1 thought on “Paano Gumawa ng Facebook Ads sa Cellphone (Easiest Tagalog Tutorial)”

Leave a Comment

FREE Online Training

How To Find Highly Interested Prospects Willing To Buy Your Products Easily Without Convincing Your Friends and Family Even Strangers