fbpx

Ios 14 Facebook Ads Complete Tagalog Solution 7 Steps you must do

Share this post!

Ios 14 Facebook ads solution na dapat gawin agad para hindi masyado maapektohan ang performance ng mga running advertisement.

Inexplain ko sa video na ito step by step kung ano ba itong Ios 14 at kung paano ito maapektohan ang Facebook ads.

Shinare ko rin dito ang mga dapat mong gawin para hindi maapektohan negatively ang mga advertisements mo.

Mapapansin natin unti unti na nagsisimula ang apple ios 14 facebook ads at marami narin naapektohan nito.

Kung hindi pa ito nangyayari sa account mo expect mo na maeexperience mo narin ito.

Actually very common naman talaga ang changes sa mga online advertising platform at dapat maging flexible lang tayo sa mga changes na mangyayari.

Ang mga changes na ito, pwedeng magbago ang direction ng platform o kaya dahil sa mga bagong government policies kaya expect mo na common lang talaga ang changes.

ios 14 facebook ads update

Sa ngayon magkaroon lang tayo ng summary sa mga possible na mangyayari dahil sa IOS 14 update.

Kung gumagamit ka rin ng Facebook pixel Ios 14, pwede rin yun maapektohan kaya make sure na mabasa mo ang article na ito.

Base sa announcement ni Apple, most likely mangyayari ang changes mula March 2021.

Dahil sa update, bibigyan niya ng option ang mga Apple users na umalis sa data tracking ng Facebook ads.

Apple Ios 14 facebook ads update

Pagusapan natin sa article na ito, kung ano ang mga bagong policies na ito at paano maapektohan ang mga Facebook advertisers.

Ito ang mga pagbabago na dapat mo iexpect dahil sa Ios 14 facebook ads.

1. Changes in Advertising because of Ios 14 Facebook ads.

1. Changes in Advertising because of Ios 14 Facebook ads.

Noong May 2018, inintroduce ni apple yun SKADNETWORK API.

Ang pinaka goal ng concept ng API na yan ay pataasin ang security ng privacy ng mga mobile users sa mga app na dinodownload nila mula sa app store.

Ngayong 2021, hindi na basta konsepto ito, pero katotohanan na dahil marami na ang nakakaexperiece sa effect nito lalu na ang mga Facebook advertisers.

Dahil sa SKADNETWORK API na ito, nirerestrict, binabawasan or pinapadelay niya ang data gathering ng mga apps at malaki ang epekto nito kay Facebook dahil isa siyang data gathering na platform.

Halimbawa, kapag gagawa ka ng Facebook ads campaign, nirerestrict nito ang conversions na nirereport kaya sa bagong process kailangan mamili ka lang ng 8 – 9 conversions na gusto mo ioptimize.

In addition, ang pagreport ng Facebook ads ay possible madelay fo up to 3 days kaya expect mo talaga na delayed ang data na ibabalik sayo ng ads manager.

2. Ios 14 Facebook Ads Changes in Mobile Ads.

2. Ios 14 Facebook Ads Changes in Mobile Ads.

Hindi lang SKADNETWORK API ang ginawa ng Apple na pwede makaappekto sa mga advertiser pero ginawa din nila ang PCM (Private Click Measurement) protocol for web attribution.

Ang ginagawa ng protocol na ito ay para marestrict ang data na pwede maaccess ng mga business at platforms.

Ito ang isang example para mas maunawaan natin ang PCM

Let’s say na ang IOS 14 user ay napakitaan ng ads sa instagram at pumunta sa website para bilhin ang product.

Dahil sa PCM ang data na yun ay mabubura at hindi na maatribute ng maigi pabalik sa advertiser.

Kapag nagtatarget ka din ng ibang geographical location pwede rin ito maging challenge.

Halimbawa, kapag isang IOS 14 user sa Pilipinas ay nakita ang isang ad mula US based na company pero maredirect sa isang local version na website na nakalagay sa Pilipinas.

Hindi mattrack ng maigi ang purchase event na nangyari.

Yes, marami talagang mga nangyaring changes sa dahil dito pero rest assured na si Facebook gumagawa ng solution para dito.

Isang solution ay ang Aggregated event management tool para icounter ang problem na ito.

Ang purpose ng tool na ito ay para matulungan na maattribute ng maigi ang sales para mareport pabalik sa advertiser.

3. Facebook ads Targeting at Optimization.

Facebook ads Targeting at Optimization.

Dahil sa Apple Ios 14 facebook magkakaroon ng eight – pixel event cap kada domain para maoptimize ang advertisement.

Ibig sabihin, kada domain na ginagamit ng advertiser, eight conversion events lang ang pwede niya piliin for optimization.

Kapag gagamit ka ng Facebook ads at conversions ang objective na pipiliin mo, kailangan mo piliin ang 8 conversions na importante para sayo.

Keep in mind, ang 8 conversions na ito ay para sa optimization lang.

Ibig sabihin, pwede mo parin gamitin ang ibang conversions para makapag create ng audiences gamit ang custom audiences.

Sa kabuuan, ang ios 14 facebook tracking maapektohan talaga nito ang performance ng ads dahil sa limited at restricted data points na nakukuha nito.

Expect na magiiba iba talaga ang performance ng mga campaigns habang maraming mga Apple users ang naguupdate ng kanilang mga devices to Apple Ios 14.

Ang mga retargeting audiences ay pwede rin lumiit dahil dito.

In short, the new iOS update may hinder optimization, especially if there are not enough data points. This is probably not very good news for small-scale advertisers who do not have many data points as compared to the big players. Also, as more and more people update their operating system to iOS 14.5, the size of retargeting audiences will also shrink over time. 

4. Facebook ads Analytics and Measurement Reporting.

Facebook ads Analytics and Measurement Reporting.

Pagdating sa pagreport ng data sa ads manager magkakaroon ng thre day delay na nangagaling sa mga IOS 14 users.

Dahil ito sa Private Click Measurement (PCM) ng apple and once again ang purpose nito ay para magrestrict ng data na maaccess ng advertisers. 

Magkakaroon ng maliit na inconvenience ang pagrun ng ads sa mga advertisers dahil sa mga limited data na makukuha nila.

Maapektohan ang mga advertisers na todo bantay sa kanilang data dahil hindi na siya magiging as fast and reliable as possible.

Sadly, yun breakdowns sa ads manager possible na maapektohan din ito.

5. Setup in Business Manager Tool

Setup in Business Manager Tool

Dahil sa mga updates ni Facebook para makapagadjust dito sa Apple Ios expect na maraming changes mangyayari sa loob ng Business manager.

Diniscuss ko sa facebook ios 14 webinar sa taas yun mga possible changes na ito at kung ano ang dapat mo iexpect once na nagrurun ka na ng Facebook ads.

Possible na kailangan nila baguhin ang design para maging adaptable sa mga changes at mas nakakalito rin kasi kung iseseparate nila para sa mga android at IOS users.

Ang key lang talaga dito ay wag mag panic kapag may nakitang changes at keep calm and focus sa solution.

I believe na ang mga changes na gagawin ni Facebook ay para din sa convenience at mas mapaganda pa ang experience ng mga advertisers.

7 Steps on How To Prepare for IOS 14 Facebook.

Ito ang steps na kailangan gawin para makapagprepare sa Apple IOS 14

Step # 1 Verify Your Domains

Kapag naverify ni Facebook ang domain na ginagamit mo ibig sabihin mas mattrack niya ang conversions mo.

May iba’t ibang paraan para maverify ang domain mo sa Facebook.

Pwede mo gamitin ang DNS TXT entry at ilalagay mo yun sa DNS records ng domain mo at iconfirm na ikaw ang may-ari ng particular domain na iyon.

Pwede mo rin iupload ang HTML File na iproproivide ni Facebook papunta sa web directory.

Ang paglagay ng meta tag sa <head> section ng domain home page mo ay ang isa sa pinaka madaling paraan para maverify ang domain mo.

Para sa step by step mas diniscuss ko yun dito sa isang training na ginawa ko about apple Ios 14 facebook

Click the image below to proceed to that training

ios 14 facebook ads update training

Step # 2: Choose and decide kung anong conversion ang iooptimize at iprioritieze mo.

Dahil sa mga bagong restrictions and limitations kailangan mo mamili ng eight events na gusto mo itrack na conversion.

Kailangan ito irank sa events manager at kailangan ito gawin ng admin ng business manager.

Baka makatulong sayo ang video na ito kung paano irank at isetup ang mga conversion tracking ng facebook ads

Step # 3: Have a shorter sales process which has a 7 day customer journey.

Based doon sa training sa taas about ios 14 update, isa sa changes na gagawin ni Facebook ay ang 7 day attribution.

So kung medyo confusing pa itong attribution, ito ang isang summarized table ni Facebook ads regarding sa attribution na ito.

ios 14 facebook 7 day attribution

Source: Facebook

Basically ang ibig sabihin lang nito ay mas magiging limited ang pagtrack ni Facebook ads sa customer journey ng audience mo.

Ang kailangan ang goal ng isang Facebook advertiser ay mas improve pa ang sales process at maencourage sila na magtake action within 7 days.

Kung pwedeng lagyan pa ng social proof, or mas improve pa ang sales script the better para mas matulungan mo si Facebook na matrack accurately yun mga tao na magtatake action sa products mo.

Step # 4 Turn On Advance Matching in Event Manager

Turn On Advance Matching in Event Manager

Dahil sa Apple Ios 14 Facebook update, natamaan ang data tracking ni Facebook ads.

Which means nabawasan ang collection of data niya kaya bilang Facebook advertiser kailangan natin siya masupplyan ng sufficient data para mahanap ang mga ideal audience natin.

Isang way para magawa yun ay ang Advance Matching in Events Manager.

Ito yun steps para maactivate ang Advance Matching.

  • Step # 1: Go To Events Manager
  • Step # 2: Go To Settings and scroll down
  • Step # 3: Activate Advance Matching

Dahil sa feature na ito, binibigyan natin ng access si Facebook ads na magcollect ng mas maraming data mula sa website.

Ang advance matching events ay hindi 100% Cure para sa apple Ios update pero isa siyang paraan para matulungan na makakuha ng data si Facebook ads.

Step # 5 Use third party analytics to supplement your ads manager.

Use third party analytics to supplement your ads manager.

Base sa naging discussion, malaking chance na madedelay ang reporting ni Facebook ads sa ads manager.

Dahil dito, mahirap na talaga magrely sa ads manager for reporting dahil baka hindi nagmamatch yun mga results na nakukuha mo sa current results ng websites or products mo.

Ang solution dito, gamit ka ng other source of reporting.

For example kapag gumagamit ka ng Shopify, Imatch mo kung tama ang resulta na sinasabi ni Facebook ads Shopify account mo.

Kung sakaling wala kang website at messages objective lang ang gamit mo, icheck mo din yun inbox ng page mo dahil baka sinasabi ni ads manager walang messages pero puno puno pala ang inbox mo.

Masasabi lang dito, hindi na 100% reliable si ads manager pagdating sa reporting.

Make sure na palagi mo icheck yun current production mo at gamit ka ng third party analytics para imatch yun sinsabing reporting ni ads manager.

Step # 6: Improve your sales process and funnel

Wala na tayo magagawa sa changes ni Facebook ads dahil ito ang platform nila at kailangan lang natin sumunod.

Sadly, yun ang nakakafrustrate bilang isang business owner at facebook advertiser dahil kailangan lagi natin magadjust sa mga bagong policies ni facebook ads.

Pero ang pinaka macocontrol natin ay kung paano pa natin iimprove ang sales process.

Keep in mind na kahit na hindi ganun kaaccurate ang targeting pero winning product at convincing ang ad copy.

Magagawa mo parin mag convert ang funnel mo.

Paano ba iniimprove at binubuild ang sales process para magconvert ang ads?

Mayroon akong tutorial at pinakita ko dito ang exactong sales process na ginagamit ko na pwede mo rin imodel

Bilang Facebook advertiser, importante na maunawaan ang pinaka goal lang talaga sa Facebook ads ay ipakita ang products mo sa maraming tao.

Keep in mind na pagdating sa sales conversion, trabaho na yun ng entrepreneur at kung paano mo ipapaliwanag kung bakit maganda ang produkto mo.

Ang Good News, nasa full control mo ang sales conversion at kung paano mo pa ito magagawang converting.

Always focus sa mga bagay na macocontrol mo at lagi mo yun iimprove.

Step # 7: Be willing to adapt and be prepared for future changes.

Dahil sa update na ito, naprove na talagang kahit sa online marketing especially facebook ads, hindi natin maiiwasan ang changes.

Yes, malaking pagbabago at nakakagulat na changes ang binigay ng ios 14 facebook ads at dapat makita natin na mas malaki tayo sa problema na ito.

Ang magagawa lang natin bilang advertiser ay maging ready at palagi lang din natin ieducate ang sarili natin by following blogs and trainings regarding sa Facebook ads.

I will do my best na palagi rin kita iuupdate kaya make sure na palagi ka rin magiging updated dito sa website ko.

Gusto ko rin ishare sayo yun tamang mindset kapag gumagamit ka ng Facebook ads bilang advertiser.

Nadiskubre ko ito mula sa teachings ni Bruce Lee. (Watch below)

Bilang advertiser, yan ang pinaka magiging asset mo at magdifferentiate sayo mula sa ibang advertiser.

Be willing to change and adapat sa bawat challenges na ibibigay sayo ng Facebook pati ng mundo.

Kailangan matanggap mo agad na kasama lang talaga yun sa journey mo sa pagiging skilled advertiser at pagtanggap sasabihin mo na lang.

“Mas mahirap pa ang naranasan ko dati maliit na problema na lang ito”

I will also do my best na prepare ka sa mga changes na ito para maging skilled na Facebook advertiser ka.

By the way, pinopost ko rin ang mga trainings, tips and tutorials sa mga social media accounts ko.

Naniniwala ako na makakatulong ito para mas lalu ka pa matrain at maeducate pagdating sa mga changes ni Facebook ads.

Kung interesado ka na matutunan ito simply follow me sa mga social media accounts na ito

Facebook page https://www.facebook.com/rtabaque

Instagram https://instagram.com/rgtabaque

Linkedin https://www.linkedin.com/in/rgtabaque/

Tanong ko narin kung beginner ka ba sa Facebook ads at hindi mo alam kung saan ka magsisimula?

May hinanda akong crash course para sayo at ginawa ko itong libre para kahit na nagsisimula ka pa lang, may maimomodel ka na.

Dinesign ko ito sa mga nagsisimula pa lang para at least magkaroon ng magandang foundation at right mindset sa paggamit ng Facebook ads.

Pinakita ko rin dito ang ilang samples na ginamit ko na nagproduce ng resulta para sa akin at pwede mo rin ito imodel.

Naniniwala ako na makakatulong ng malaking bagay itong Free crash course na ito, dahil yan din ang nirecommend ko sa ibang students ko na nagsisimula sa Facebook ads.

If ready ka na magsimula, simply click the image below.

Facebook ads crash course benta online

Sa lahat na napagusapan natin dito sa Apple Ios 14 facebook ads be ready sa mga changes na mangyayari at palagi ka lang maging willing to adapt ang change.

May nagawa ka na ba sa mga steps na ito para maging ready sa Apple Ios 14 facebook ads update?

#Ios14facebookads #Facebookadsappleios #raymondtabaque

Share this post!

Raymond Tabaque is an entrepreneur, speaker, and digital marketing consultant. He has helped more than 23,000 Filipinos shift their businesses through digital marketing. He started learning digital marketing since 2015 and helped business owners and entrepreneurs implement digital marketing in their businesses.

Leave a Comment

FREE Online Training

How To Find Highly Interested Prospects Willing To Buy Your Products Easily Without Convincing Your Friends and Family Even Strangers