fbpx

Facebook Marketing Philippines [11 Best] Tagalog Strategies this 2021

Share this post!

Facebook marketing philippines strategy ang isa sa madalas na hinahanap ng mga nagsisimula ilipat ang business nila sa online para makahanap ng prospects at sales.

Very common lang din yun dahil karamihan ng mga Pilipino ay nakatambay sa Facebook.

Base sa research ng statista.com, mabilis pa itong dadami

facebook marketing philippines stats

Ang laking sayang talaga kapag hindi simulan ng isang negosyante ang paggamit ng Facebook Philippines sa kanyang business.

Kapag nagsisimula ka sa online, dalawa lang ang top option para makahanap ng mga prospects.

Ito ang Google pati narin ang Facebook.

Marami nagsasabi na si Google ay mas malaki ang kita kesa sa Facebook pero para sa mga negosyante at marketers mas mahalaga ang data na mayroon ang Facebook.

Bakit mas mahalaga?

Mas maraming data at information ang Facebook kesa sa mga pumpunta sa Google.

facebook marketing vs google marketing

Halimbawa, alam ni Facebook ang interest mo pati ang mga websites na pinupuntahan mo.

Minsan pati narin ang behaviour at last purchases na ginagawa mo, nakikita ito ni Facebook.

Dahil dito, mas makakakuha ka ng targeted audience at magagawa mong sakto ang ads mo sa tinatarget mo.

Dahil dito, maraming ang gusto matuto kung paano ang facebook marketing philippines strategies.

Sa post na ito magshare ako sayo ng 15 Facebook marketing philippines strategies na pwede mo gamitin this 2021

Simulan na natin

1. Gumamit ng Facebook Marketing Page to Promote Your Products

Isa sa pinaka malakas na platform ang Facebook para makakuha ng prospects and sales para sa business mo.

Marami ang naiistuck up sa online dahil akala nila kailangan ng website upang mailagay ang products nila.

Ang maganda sa Facebook, pwede ka gumawa ng Facebook page at yun ang magsisilbing website mo.

Paano ito?

May ginawa akong video para sayo at tinuro ko step by step paano gumawa ng Facebook page (Watch below)

Sa tulong ng Facebook page, pwede mo ipost ang mga products mo para makita ng mga users sa Facebook.

Yun maganda, hindi mo kailangan ng facebook ads payment philippines para makapagstart dahil libre lang ito.

Ito rin ang madalas na nirerecommend ko sa mga naguumpisa dahil ang paggawa ng page hindi kailangan na IT graduate ka.

May kilala nga ako na dating service crew ng Jollibee pero marami siyang nabuild na business gamit lamang ang Facebook page.

Ang key dito ay maipakita mo sa maraming tao ang Facebook page para makita nila ang products and services mo.

Imagine mo na lang na parang sarili mo itong website para makapagconnect ang mga target prospects mo.

So, mayroon ka ng Facebook page, ano na ang susunod?

2. Grow Your Facebook Marketing Page

Malaki ang advantage ng Facebook page kapag marami ang nakalike at visitors nito.

Once na makita ng ibang tao na marami ang pumpunta at nagiinteract sa Facebook page mo.

Ito ay isang legitimate na store or business sa mata nila.

Everytime na may nakakausap kang mga prospects at natuwa sila sa services mo, encourage mo sila na ilike ang page.

Paano naman igrow ang Facebook page?

Gusto ko rin ishare sayo ang ginagawa ko para ibuild ang Facebook page ko. (Watch below)

Ito ang pwedeng makatulong sayo para magbuild ng social proof at makita ng mga tao na legit ang products mo.

Usually marami pa silang iniisip kung bakit hindi sila nagiging interested or bumibili sa product at kailangan masagot mo yun.

Isa sa mga tanong ay “Marami ba bumibili at gumagamit ng products mo?”

Once na masagot mo yan, ang laki ng magiging advantage mo compared sa mga competitors mo.

Ito ang isang paraan para maipakita mo sa maraming tao ang products and services mo.

Magagawa mo ito kahit na hindi ka gumamit ng facebook boost post cost philippines.

3. Use Facebook Ads to Promote Your Page and Products

Ito ang personal favorite ko dahil ang bilis magkaroon ng resulta kapag gumamit ng Facebook ads.

Keep in mind na ang Facebook ads ay paid advertisement kaya kailangan ng bayad.

Kung ang isa sa tanong mo ay facebook advertising cost philippines 2021.

May ginawa rin akong full explanation kung magkano ang cost at paano ito pababain para maging aware ka.

Kasama rin jan kung paano ang facebook ads payment philippines

Simply click the image below kung interested ka doon.

facebook marketing philippines 2021 lower cost

Sa tulong ng Facebook ads, pwede mo targeten yun mga tao na may eksakto interest sa product mo.

Imagine nagbebenta ka ng condo at siyempre yun mga tao na yun gusto magkaroon ng sariling lugar.

Dahil sa tulong ng Facebook ads pwede mo targeten yun mga tao na kaka engage lang.

Malamang yun mga tao na yun naghahanap na ng sariling bahay or tirahan dahil hihiwalay na sila sa parents nila.

facebook marketing philippines target audience

Base sa example na yan, makakareach ka ng 12M people who are newly engaged.

Sobrang targeted diba?

Ang tanong paano ba gumawa ng Facebook ads para makapagsimula ka sa Facebook marketing philippines strategy na ito.

May ginawa akong step by step tutorial para masundan mo. Watch below

Mula sa video na iyan, makakapagstart ka na gumamit ng Facebook ads para sa promotions mo.

Kung sakaling wala kang laptop or computer pwede ka magstart using the Facebook ads app.

Tinuro ko yun dito sa post ko na ito click here to start

Yun maganda pa, very affordable ang Facebook ads at pwede ka magstart kahit na 100 – 200php per day.

I believe Facebook ang isa sa pinaka affordable social media ads cost Philippines.

Imagine sa halaga na yan makakapagreach out ka sa milyon na tao na nakatambay sa Facebook platform.

4. Encourage Engagements in your Facebook Marketing Page

Hindi lang Facebook ads ang mabilis na paraan para marami makakita ng products and services mo.

Isa sa mabilis na paraan ay kapag marami ang naeengage sa page mo. Ano ibig sabihin nito?

Marami dapat ang nagcocomment, likes, share at mentions ang page mo.

Isa rin ito sa madalas na nirerecommend ng mga facebook advertising agency Philippines.

Kapag nakita ni Facebook na marami ang nageengage lalu pa niya ipapakita ang Facebook posts at page mo sa maraming tao.

Mayroon akong naging live training at inexplain ko dito kung paano nakakatulong ang engagement sa facebook page (Watch below)

Ang best part sa facebook marketing philippines strategy na ito, magagawa ito kahit na walang Facebook ads.

Free strategy siya pero make sure to do the work para magawa mong effective ito.

5. Build a Community By Using A Facebook Marketing Group

Ang Facebook group ang makakatulong sayo para lalung pagusapan ang products, services pati ang Facebook page mo.

Kapag nagsearch ka sa Facebook ng mga groups, marami kang makikitang iba’t ibang topic.

Sabihin natin na isa kang social media agency at naghahanap ka ng mga tao na interesado sa social media.

Pwede mo isearch sa facebook “social media groups” pwede ka magjoin doon para makapaginteract.

facebook marketing philippines groups

Isa pang example sa pagimplement na ito

Sabihin natin, may banda ka ay gusto mo dumami ang fans and followers mo.

Gusto mo na marami ang magshare ng mga videos at events niyo at magagawa mo yun thru Facebook groups.

Ito yun ginawa ng band na Nickelback

facebook marketing philippines bands

Gumawa sila ng community ng mga fans nila at dahil jan lalu nagincrease ang online presence nila.

Pwede mo rin gawin yan sa kahit anong products or services na mayroon ka.

Let’s say nasa health industry ka, pwede ka gumawa ng group para sa mga tao na gusto maging healthy.

Nagbebenta ka ng mga bonsai tree? Pwede ka gumawa ng group para sa mga tao na mahilig sa bonsai.

Imagine, mayroon kang focused group na mahilig sa industry or kind of product na binebenta mo.

May chance na maipakita mo yun products or services mo sa mga tamang tao lang.

Paano gumawa ng Facebook group?

Mayroon interesting video na pwede ko irecommend sayo at naexplain din ng maigi yun benefits ng facebook group.

Kung interested ka na ifollow si Kelvin pwede mo puntahan ang youtube channel niya dito

Click here to visit Kelvin’s channel

Kung gusto mo magkaroon ng community of people na may pareparehas na interest.

I believe magiging magandang facebook marketing philippines strategy ang groups para sayo.

6. Engage with your Facebook Group and Page

Isa sa madalas na pagkakamali ng mga nagsisimula sa facebook marketing philippines strategy ay puro promotions.

Dahil dito, lalung nawawalan ng interest yun mga followers ng page or yun mga nakajoin sa group na ginawa nila.

Nangyayari ito dahil ang goal ng mga nagoonline sa facebook ay para maentertain at hindi bumili ng produkto.

Sadly kapag nagmukhang advertisement ang page at group most of the time hindi na nila ito babalikan.

Ang kailangan gawin, makipag interact ka sa mga tao na naglike ng page pati nagjoin sa group.

Pwede ka mag ask ng questions or magpost ng something valuable or entertaining para sa kanila.

Once na nag comment sila, make sure na magreply ka at makipaginteract ka sa kanila.

Dahil dito, hindi nila makikita ang page or group mo as advertisement pero as a community.

So paano gawin ito?

Mayroon akong short tutorial video at inexplain ko yun mismong ginagawa ko para makapagcreate ng engagement.

Keep in mind na sa bawat tao na nageengage sa page mo, possible na maging future client or customer mo yun.

Once they build enough trust at maging comfortable sila sayo, doon sila magdedecide na bumili sa store or sa page mo.

Magagawa mo yun unti unti by implementing this facebook marketing philippines strategy.

7. Make Your Facebook Page and Group Searchable

Mawawalan ng saysay ang Faceboo page at group kung wala ang makakakita nito sa platform ng Facebook.

Marami narin ang gumagawa ng Facebook page at Facebook group araw araw at mahigpit na ang competition.

Pero paano mo magagawa na searchable at visible sa platform ang page mo?

Ito ang paggamit ng Search Engine Optimization or SEO which means imatch mo yun pangalan ng page mo sa sinsearch.

Paano gawin ito?

Mayroon ang video na tinuro ko step by step kung paano implement ang facebook marketing philippines strategy na ito.

Everytime na gagawa ka ng page or group make sure na implement mo yun solution na shinare ko sa video na yan.

Importante na magawa mong match ang sinesearch ng mga tao doon sa brand or product and services mo.

8. Maximize Your Cover Photo

Maraming mga nagsisimula sa Facebook marketing Philippines strategies ay nalilimutan ang power ng cover photo.

Hindi nila napapansin na parang malaking billboard yan sa harap ng page mo at kuha pansin ito sa mga visitors mo.

Isa itong opportunity para makapagincrease ng website visits, ipakita ang offer or para mapalaki ang brand ng facebook page.

Isang example ay ang Chelsea Piers Facebook page at pinakita niya na sila ang # 1 rated gym sa Yelp.

facebook group cover photo

Para doon sa naghahanap ng sports center, siyempre gusto mo mapabilang sa # 1 rated gym.

Ginagamit nila ang Facebook page para mapakita yun credibility ng brand nila para dumami ang bumisita sa store nila.

Isa rin example yun Facebook page ko at yun ginagamit kong cover photo

facebook marketing philippines 2021

Sa mga visitors ng facebook page ko ineencourage ko na agad sila na maglike at ifollow ang page.

Dahil sa tulong ng facebook cover mas dumami ang likes pati ang followers ng ibang social media accounts ko.

Kung gusto mo na mapataas ang credibility or action na ginagawa sa page mo, maximize your photo cover.

Ito ang isa sa best way para isupport ang facebook marketing philippines strategies mo.

9. Use Images to Post on your Facebook page and Group

More than 300 million images ang nakaupload sa Facebook araw araw.

Isang malaking indication yun na mahilig ang mga Facebook users sa images bilang posts nila.

Sa research ng Buzzsumo nakita nila na ang mga Facebook post na mayroon images ay nakakareceive ng 2 – 3x more engagement kumpara sa walang image.

facebook marketing buzzsumo stats

Sa isa pang pag-aaral ng Hubspot ay pinakita na ang gumagami ng images, mas nakaka generate ng 53% more likes at 104% more comments kesa sa walang photo or image.

graph about hubspot

Kung gagamit ka man pictures, charts, screenshots or comic animations, malaking advantage talaga kapag ininclude mo yan sa posts mo.

Yun maganda sa panahon ngayon, hindi na kailangan na magaling kang graphic designer para makagawa ng photos.

Pwede ka nga makagawa ng mabilis dahil sa tulong ng templates na available sa canva.com

Free pa ito diba? Stay creative and use photos sa mga posts mo.

10. Use Videos On Your Facebook Page or Group

Puro videos na talaga nag makikita mo sa social media ngayon especially Facebook.

Isa ito sa magbibigay sayo ng magandang advantage bilang facebook marketing philippines strategy.

Narecord ni Facebook na dumagdag at least 800% sa paggamit ng video noong 2015 – 2016 sa kanilang platform.

Mula 1 billion daily views hangang 8 billion daily views sa loob lamang ng isang taon.

Mas effective ang videos sa panahon ngayon compared sa images kapag gusto mo ireach ang mga target audience mo.

Ayon sa research nakakapagreach ng 135% more ang videos compared sa images.

Marami narin mga brands ang gumagamit ng mga Facebook video instead of images.

facebook ads group post donut

Naalala mo ba ang viral Facebook video na ito mula sa Jollibee?

facebook marketing philippines jollibee ads

Bakit naging effective ang Facebook video kesa sa image?

Alam naman natin na mahirap makuha ang attention sa Facebook.

Sobrang daming distractions dahil marami silang nililike at marami rin silang advertisement na nakikita araw – araw.

Mahirap na makuha ang 100% attention nila sa products or services mo.

Pero ang video ang isang proven way para makapagattract at makuha ang attention ng mga tao.

Marami ang willing manood ng 10 – 30 minutes or more kapag nakita nila na entertaining, educational or interesting ang video.

Naalala ko yun commercial ng jollibee sobrang daming nakarelate at dahil dito, paulit – ulit pa nila pinanood yun video.

Sobrang importante na engaged ang tao sa page pati sa post mo dahil ito ang magcrecreate ng relationship sa business mo.

Mula sa mga research, videos ang nagbibigay ng malaking engagement lalu na sa platform ng Facebook.

Base din sa research ng Fortune magazine, mabilis na bumaba ang engagement ng mga post na hindi videos sa Facebook.

facebook users philippines 2021

At hindi lang yan dahil 52% ng mga marketing professionals sinasabi na ang video ang may mataas na engagement at nagproproduce ng best ROI.

facebook marketing philippines marketers stats

Mula sa data at research na ito, video is the best way para makapagcreate ng engagement at relationship sa customers mo.

Ang Facebook ang isa sa pinaka magandang platform para ipromote ang videos dahil sa virality at community nito.

Pwede mo gamitin ang video para maexplain sa target audience mo ang products mo.

Pwede mo rin gamitin ang videos para magpakita ng behind the scenes para maging transparent ang business mo sa audience mo.

Baka tanong mo, kung ano naman ang topics na pwede pagusapan sa video?

Shinare ko dito ang 3 E’s of Marketing ng mga topics na nagproproduce ng magandang interest mula sa mga audience.

Yan mismo ang ginagamit ko para hindi maubusan ng topic kapag gumagamit ng videos or posts.

Pwede mo implement yan para unti unti mo mamaster ang facebook marketing philippines strategy na ito this 2021.

11. Use Facebook Insights To Improve Your Content

Ang Facebook insights ay isang tool ni Facebook para mas matutunan mo ang audience mo.

Ito ang magbibigay sayo ng numbers kung ano ang interest at ano ang behaviour ng mga tao na naglike ng page mo.

Sobrang importante nito, dahil bawat tao iba iba ang personality pati ang hilig.

Sa tulong ng insights magagawa mong makapagfocus sa content kung saan mahilig ang majority ng facebook followers mo.

For example, nadiscover mo na karamihan pala sa mga Facebook page followers mo ay mga lalake.

Facebook-insights-tell-you-everything-you-need-to-know-about-your-fans

Ibig sabihin natin, focus ka sa mga topics na kung saan nakakarelate ang mga lalake.

Dahil dito, hindi ka na nagmamarket sa lahat ng tao pero nakafocus ka na sa marketing mo.

Doon mo magagawang high quality audience ang content pati ang mga ads mo.

Once na mamatch mo ang ads sa personality, behaviour at character ng target audience mo. Doon mo lalu sila mapapabili.

Ito ang ilan sa mga data na madidiskubre mo sa tulong ng Facebook insights.

  • Gender
  • Age
  • Work
  • Location
  • Orgnaic reach
  • Engagement
  • etc

Ang tanong, paano ba ginagamit ang Facebook insights?

Mayroon din akong hinanda na step by step kung paano gamitin ito para lalu mo pa makilala ang target audience mo.

Simply click the image below para doon sa full explanation tutorial about Facebook insights

facebook ads targeting thumbnail

Sa dami ng tao na active sa Facebook, sobrang importante na mapabilang ang mga business owners sa platform.

Compared sa mga ibang platforms like Google mas affordable at mas madali makakuha ng high quality prospects sa Facebook dahil sa data na pwede ibigay nito sayo.

Mas madali din makipagengage sa mga facebook users dahil sa environment ng platform which encourages engagement.

Considered as part of culture narin ng mga Pilipino ang Facebook dahil ito rin ang mismong ginagamit nila para makapagconnect sa mga kaibigan at kamag-anak.

Isa itong malaking opportunity bilang business owner or marketer para maexpose sila sa brand and products mo araw – araw.

Dahil din sa mga tools na available para sayo like Facebook group, pages and insights para na siyang complete package for marketers and business owners.

Sa panahon ng social media sobrang importante na kasama ito sa facebook marketing philippines strategy.

Yun din ang malaking reason kung bakit mga big brands katulad ng Jolibee, BDO, SM ay nagbubuild ng kanilang Facebook presence.

Make sure na palagi karin updated dito sa blog dahil nagpopost ako ng mga bagong updated tips and trainings na pwede pa makatulong sayo sa online marketing.

Pinopost ko rin ito sa mga social media accounts at naniniwala ako makakakuha ka ng ideas doon.

Kung interested kang makatanggap ng mga tips and trainings simply visit me sa mga links sa baba.

Facebook page https://www.facebook.com/rtabaque

Instagram https://instagram.com/rgtabaque

Linkedin https://www.linkedin.com/in/rgtabaque/

By the way, beginner ka ba at hindi mo pa alam kung saan ka magsisimula especially sa Facebook?

Mayroon akong hinandang step by step crash course na pwdeng makatulong sayo at libre lang ito.

Designed ito para sa mga nagsisimula pa lang at pinakita ko rin ang ilang effective na facebook ads samples na naging effective para sakin.

Ang crash course na ito ang makakatulong sayo para makapagsimula ng maigi sa Facebook marketing philippines strategy mo.

Kung ready ka na masimulan ito pwede mo yun irequest dito sa website ko ng libre by clicking the image below

Facebook ads crash course benta online

Ano ang sa tingin mong mas effective sa pagpost sa Facebook?
Images ba? or Videos?

#raymondtabaque #facebookmarketingphilippines #facebookmarketing

Share this post!

Raymond Tabaque is an entrepreneur, speaker, and digital marketing consultant. He has helped more than 23,000 Filipinos shift their businesses through digital marketing. He started learning digital marketing since 2015 and helped business owners and entrepreneurs implement digital marketing in their businesses.

8 thoughts on “Facebook Marketing Philippines [11 Best] Tagalog Strategies this 2021”

  1. Thanks, Coach Raymond, 🙋‍♂️🙏👍For the Learnings, sa isa pong tulad ko, na Newly, Na pumasok sa larangan ng isang Negosyo, 🙏❤️👍🙋‍♂️maraming, maraming salamat po, coach

    Reply

Leave a Comment

FREE Online Training

How To Find Highly Interested Prospects Willing To Buy Your Products Easily Without Convincing Your Friends and Family Even Strangers