fbpx

Facebook Advertising Cost Philippines 2021: [Sikreto sa Murang Ads Rate]

Share this post!

Magkano ang Facebook advertising cost Philippines ngayong 2021?

Ito ang madalas na tinatanong ng mga nagsisimula sa Facebook ads dito sa Philippines.

To answer the question, pwede ka magstart sa Facebook ads with a minimum of 100php per day at ikaw na magseset ng budget kung magkano lang ang kaya mo.

May mga paraan din na paano mo pa gagawin sulit yun sinet mong budget para magawa mo pang affordable ito.

Which means, sa 100php na sinet mo, pwede ka magkaroon ng 1 php per message or inquiry o kaya click depende sa strategy mo.

Paano gagawin yun? Sa video na ito ituturo ko sayo kung paano pababain ang facebook advertising cost philippines ngayong 2021. Watch it here

Always keep in mind na magagawa mong affordable ang ads cost mo kapag marami kang nakuhang resulta mula sa budget na sinet mo.

Kahit na mayroon minimum budget sa Facebook ads, magagawa mo parin itong very profitable jan sa offer mo kapag nagkakaroon ka ng maraming opportunities, inquiries or clicks jan sa products or services mo.

Lagi mo tatandaan na kahit na maganda ang products or services mo pero kapag wala naman nakakakita or walang nagiinquire jan sa offer mo.

Hindi parin magwowork ang business mo dahil kailangan palagi meron itong consistent flow ng inquiries and prospects para magkaroon ka ng sale.

Ngayon isang tanong naman dito, ano kaya nag magiging mas affordable na Facebook ads strategy? Images? Videos or baka carousel?

Inexplain ko yun step by step sa next topic natin para magkaroon ka pa ng confidence and idea kung anong klaseng type of Facebook ads ang gagamitin mo para masulit mo pa ang budget mo.

Kung ready ka na masimulan ito, click mo lang ang image sa baba para sa next topic

Best Facebook ads Philippines Strategy 2021

Bigyan lang kita ng keypoints mula dito sa naging training natin today.

Key Point # 1: Always know your target audience.

Isa sa sikreto para magsucceed ang Facebook ads ay dapat well targeted ang audience mo.

Kapag sakto ang sinasabi mo sa ads mo doon sa pangangailangan ng mga target audience mo, they will click, comment or share your ads. Which means magiging super interested sila.

Lagi mo tatandaan na iba’t iba ang behaviour, pangangailangan at sitwasyon ng bawat user sa loob ng Facebook platform.

Kapag napoint mo yun pinaka target market mo, mas hahanapin ni Facebook yun at mas ipapakita niya doon sa mga very specific target audience mo.

Which means more profitable ads dahil nagiging maganda ang experience ng tao mula sa advertisement mo.

Key Point # 2: Have a goal of profitability

Marami ang naiipit sa mindset na paano gagawin mura ang Facebook ads nila.

Sadly, naiipit sila dito dahil instead of growing their business at maging aggressive sa pagbuild ng negosyo nila lalu silang nagiging defensive at conservative.

Dahil jan, lagi sila nakafocus kung saan sila makakatipid instead na saan sila mas makakabenta.

Facebook ads is all about numbers imagine may nakita kang vending machine at everytime na maglagay ka ng 20php bumabalik sayo 50 php.

Ang tanong sayo, gugustuhin mo ba lagyan pa ng bente ang vending machine?

Siyempre oo diba? So instead na how much does it cost to advertise on facebook per month, dapat ang magiging tanong, how much sales will you get from advertising on facebook.

If yes ang sagot mo, tamang tama yan mindset and goal mo sa Facebook ads. Always focus on the profits and continue on building your goals and your business.

Key Point # 3: Know your numbers

Katulad ng shinare ko sa point # 2, numbers game ang Facebook ads.

Kailangan alam na alam mo ang bawat numeric performance ng ads mo pati ng business mo.

Ilan ang nagiinquire? Ilan ang nagcclick? at magkano ang ginagastos mo per day.

Dito ka magkakaroon ng control sa nangyayari sa Facebook ads strategy mo at mas lalu ka magiging confident dahil alam na alam mo na profitable or hindi ka kumikita sa ginagawa mo.

Dito ka rin makakapagadjust at makakapagdecide ng maigi kung itutuloy mo pa ang Facebook ads campaign mo or dapat ka ng gumawa ng bagong strategy.

Once you know your numbers, I promise, you will know and master your business at hindi dapat baliktad.

Dito ka magkakaroon ng parang facebook ads cost calculator dahil alam na alam mo yun galaw ng progress ng business at advertisement mo.

Isa sa pinaka nagiging challenge ng mga naguumpisa sa Facebook ads ay nagiging sobrang emotional sila sa nakukuha nilang resulta.

Once emotional doon ka magkakaroon ng mga maling desisyon, parang nagiinvest lang sa stock market.

Be in control of your emotions by knowing and mastering your numbers.

Dito mo magagawa na maging in control sa facebook advertising cost philippines ngayong 2021.

Pwede mo rin ako ifollow sa mga social media accounts ko

Facebook page https://www.facebook.com/rtabaque

Instagram https://instagram.com/rgtabaque

Linkedin https://www.linkedin.com/in/rgtabaque/

By the way, beginner ka pa lang ba sa fb ads at gusto mo malaman on how to advertise on facebook?

Dito ka rin magkakaroon ng idea kung how much to spend on Facebook para magkaroon ka ng specific guide kung paano ka magsisimula.

If yes and interested kang matutunan ito, mayroon akong hinanda na free facebook ads crash course at inexplain ko dito step by step kung ano yun kailangan gawin para makapagsimula ng tama sa Facebook ads.

Pinakita ko rin dito ang ilang Facebook ads samples na ginamit ko na nakapagproduce sa akin ng sales at resulta para magrow ang business ko.

Kindly click the image below at pwede mo yun irequest ng libre sa website ko.

Free Facebook ads training philippines

Curious lang ako, sa sitwasyon mo ngayon how much lang ang kaya mong budget for facebook ads?

Comment mo jan sa baba

#raymondtabaque #Facebookadsphilippines #Facebookads

Share this post!

Raymond Tabaque is an entrepreneur, speaker, and digital marketing consultant. He has helped more than 23,000 Filipinos shift their businesses through digital marketing. He started learning digital marketing since 2015 and helped business owners and entrepreneurs implement digital marketing in their businesses.

Leave a Comment

FREE Online Training

How To Find Highly Interested Prospects Willing To Buy Your Products Easily Without Convincing Your Friends and Family Even Strangers