fbpx

Facebook ads Price Philippines 2021 [Must Follow Steps sa Cheaper Ads]

Share this post!

Facebook ads Price Philippines 2021 ang madalas na tinatanong ng mga nagsisimula sa Fb advertising.

Sa mabilis na sagot, ikaw ang magseset ng budget kung magkano ang willing kang gamitin sa Facebook ads.

Pwede mo ito iset ng P100, P200 o hangang sa magkano ang comfortable amount na meron ka. Mayroon pa nga mas mababa sa P100.

Pero ang key dito kung paano mo mapapaliit ang cost para yun buong budget na nilagay mo, magiging sulit.

Mayroon akong maliit na summary kung paano ba napapaliit ang cost ng Facebook ads para mas dumami ang mareach na tao.

Ito ang ilang sikreto at tips na palagi ko iniimplement para bumaba ang facebook ads price philippines this 2021.

Maraming mga nagsisimulang entrepreneurs ang gumagamit ng Facebook ads para magkaroon ng customers at iscale up ang business nila.

Almost 1.6 billion people ba naman ang gumagamit sa Facebook para igrow ang business nila gamit ang Facebook pages.

Pero ang tanong magkano ba ang Facebook ads price Philippines this 2021?

Sa totoo lang, marami talagang factors para madetermind ang average cost of facebook ads.

Depende sa sitwasyon mo, ang facebook ads cost mo ay pwedeng maging P100 per click or pwedeng bumaba sa P1 – P5 php per click.

Paano ka magkakaroon ng idea kung magkano ang cost sa facebook advertising?

Pagusapan natin dito kung ano yun mga factors na yun at paano ito nakakaapekto sa cost at ano ang mga pwedeng gawin para mabawasan ang Facebook ads price Philippines this 2021.

Magkano ang Facebook ads Price Philippines this 2021?

Pag magkakaroon tayo ng average or estimation ang madalas na makikita mo ay nagaaverage sa P23.90 at P95.62 kada click.

Para mas maging malinaw tignan natin yun naging study ng top site katulad ng wordstream.

Base sa research ng wordstream nag aaverage ang cost per click sa $1.72 or P82.23

Keep in mind na average ito at depende talaga sa industriya kung saan ka napapaloob.

Halimbawa, sa finance industry, nagkakaroon sila ng average of $3.77 kada click or P180.24

Buti na lang hindi pareparehas ang pagestimate ni Facebook ads sa bawat industriya kaya affordable parin para sa ibang advertisers.

For example, ang travel, apparel at retail ay less than $1 or less than P47.

Facebook Ad price philippines Averages

Tandaan, once again estimation lang ito at mula sa mga experiences ko pwede ka magkaroon ng mababang cost per click.

Pinakita ko rin sa isang post ko kung paano ko ginagawa na magkaroon ng less that P2 kada click sa mga promotions ko

Kindly click the image below to view that post

facebook advertisng cost philippines thumbnail

Pinagusapan pa lang natin ay mga estimations, ngayon tignan natin kung paano natin iaapply ito sa sarili nating campaigns para bumaba ang facebook ads price philippines this 2021.

Paano nagwowork ang Facebook ads system?

Kailangan maunawaan din natin kung bakit connected ang system ni Facebook ads sa magiging cost ng advertising mo.

Auction system ang Facebook Ads

Kapag maraming ads ang nilagay ni Facebook sa kanyang mga users, mas kakaunti ang gagamit ng site niya. Which is ayaw mangyari ni Facebook.

Dahil dito, kaunti lang ang ads na pinapakita ni Facebook sa kanyang users.

Take note na sobrang konti lang ang ad space available sa loob ng Facebook platform pero maraming business owners ang gusto magadvertise.

Yun ang reason kung bakit ginawang auction system ni Facebook ang advertising platform niya.

In other words, ang mga advertisers ay magpapataasan ng bid para mareserve ang advertising spot sa targeted user.

Yun may pinaka mataas na bid, ads niya ang ipapakita doon sa user.

Facebook ad Bid Cap

May mga Competitors ka

Kapag gagamitin mo ang Facebook advertising, hindi lang ang direct competitors mo ang kalaban mo, pati narin ang ibang advertisers na nirereach yun kaparehas na target market.

Halimbawa mayroon kang binebentang running shoes, at gusto mo targeten ang mga mahilig magjogging.

Sa example na ito, hindi ka lang lalaban sa mga tao na nagbebenta ng sapatos pero possible na lalaban din sa auction ang mga may gym membership, or nagbebenta ng coaching na kaparehas ng targeting mo.

Facebook ads price philippines 2021 targeting

Sa bawat edit mo ng ad targeting, makikita mo na nagbabago ang audience size na pwede mo ma reach out ng ads mo.

2 Bagay na nagcocontrol ng cost mo sa Facebook ads.

Para macontrol mo ang facebook ads price philippines budget mo mayroon 2 option na pinapapili si Facebook.

Ito ang budget mo pati narin ang bid control

Ang maganda kay Facebook ads, ikaw ang may control kung magkano ang willing mong gamitin in a daily basis or lifetime basis.

I advice gamitin mo lang ang budget na magiging comfortable ka gastusin para sa campaigns na gagawin mo.

Pagdating sa budget mayroon 2 types si Facebook ads.

  • Daily Budget – Amount na willing kang gamitin sa campaigns mo araw – araw.
  • Lifetime budget – Ito ang kabuuan na budget na ibibigay mo kay facebook para sa buong facebook ad campaign mo.
Facebook Ad Daily Budget

Ang bid naman ay magkano ang willing mong ibayad kay facebook ads para makuha ang ad placement.

Kapag hindi ka pumili ng bid, si Facebook na ang magdedetermine kung magkano ang bid na kailangan para lang ipakita ang ads mo.

Sa totoo lang ang advice ko rin ay gawin automatic bidding na lang para masigurado na palagi maipapakita ang ads mo.

Once na hinigpitan mo ang budget, magkakaroon ng time na hindi ipapakita ang ads dahil mababa lang ang bid.

Kung gusto mo makita kung effective ba ang ads mo at makakuha ka ng data, mas maganda kapag automatic bidding mo na lang.

It will save you more time.

Reminder lang

Para manalo sa bidding kailangan lang na makapagbid ka ng mas mataas doon sa competitor mo.

For example, nagset ka ng P5 ang highest bid mo sa ads, pero ang competitor mo ay P3 ang bid.

Magbabayad ka lang ng P3.10 para mas manalo ang advertising mo.

Kung sakaling gagamitin mo ang manual bidding make sure na palagi mo rin icheck ang ads mo.

Minsan kasi pabago bago ang cost may araw na P3 lang ang cost pero pagkatapos biglang tatalon ng P5.

Lagi mo lang icheck ang ads manager mo at yun ang reason kung bakit mas inaadvise ko parin ang automatic bidding.

Naniniwala ako na mas makakatulong ka ng mahimbing kapag sa Facebook na ang bahalang mag manage niyan.

6 Key Factors na nakakaapekto sa Facebook ads Price Philippines.

Maraming factors ang nakakaapekto sa pagtaas at pagbaba ng price ng Facebook ads campaigns mo.

Ito ang ilan sa mga factors na nakakaapekto sa cost.

1. Ang Target Audience mo

May ilang mga target audience na mataas ang cost dahil palagi pinipili ng mga Facebook advertisers.

Kapag tinatarget mo ay mga masyadong common na targeting or niche, expect mo na mas tataas ang Facebook ads cost mo.

Ang key dito, makahanap ka ng mga ibang audience na kung saan hindi masyado napaguusapan or tinatarget ng competitors mo.

Marami rin na advertisers ang pinapaliit ang audience nila pero pwedeng tumaas ang cost mo dahil dito.

Mas tumataas ang cost dahil mas pinapaliit mo ang options ni facebook ads kaya possible na paulit ulit niya ipapakita yun sa same na target audience.

Which can lead to faster ad fatigue which means paulit ulit yun user at kapag hindi niya pinapansin ang ad, kusang tataas ang cost.

Much better kung magresearch ka ng mga audience na kung saan hindi masyado tinatarget.

Mayroon din akong topic kung paano maghanap ng mga profitable na target audience sa Facebook ads.

Kindly watch the video kung interested ka sa topic na yun

2. Ang Facebook ad Objective

Once na gumawa ng ad, tatanungin ka ni Facebook kung anong objective ang pipiliin mo.

Facebook Ad price pilippines 2021 Objective

Depende sa objective na pipiliin mo, pwede ito makaapekto sa magiging cost ng Facebook ads mo.

For example, kapag pinili mo ang mas mahabang proseso katulad ng conversions or purchases, normally tataas talaga ang cost ng ads kumpara sa video views lang.

Mas mahaba at mas matrabaho kasi ang gagawin ni Facebook ad kaya mas malaki ang cost nito.

Kahit ito ang factor, dapat ang goal mo parin ay maging profitable.

3. Mga Competitors mo

Isa ito sa nakakaapekto sa Facebook ads cost mo.

Kapag walang tumatarget sa audience mo, walang demand at walang competition para sa bidding.

Kahit na mababa nag bidding maipapakita parin ang advertisement mo sabi nga sa Eknonomiya.

Supply and demand, parehas ito sa Facebook ads.

Nakadepende rin sa dami ng competitors mo ang Facebook ads price at kung magkano ang willing nilang gastusin para mag advertise sa target audience na yun.

4. Time of advertisement

Nakasalalay din sa panahon ang pagtaas ng cost ng advertisement mo.

For example, kapag pasko expect mo na tataas ang cost dahil marami ang gumagamit ng Facebook ads para magbenta.

Minsan nakadepende rin sa specific hours yun magiging cost ng ads mo.

Mas magiging mataas kapag peak hours kumpara doon sa mga off hours.

5. Ang Facebook ad placement na pinili mo.

Kapag gagawa ka ng Facebook ads, maraming placements ang ipapapili sayo.

Isa rin itong factor sa pagtaas or pagbaba ng Facebook ads price Philippines this 2021

Ito ang ilan sa mga placements na pinapapili ni Facebook ads.

Facebook Ad Placements

Bawat placement magkaiba ang cost na nilalagay ni Facebook.

Base sa research ng AdEspresso, ang pinaka mahal na placement ay sa instagram feeds.

Facebook Ad Cost by Placement

Kung makikita mo sa graph nagaaverage ng $1.7 ang cost per click at base din sa experience ko malaki talaga ang expense sa instagram

Possible na mas high quality kasi ang mga users sa instagram compared sa Facebook kaya ito lumalaki.

Keep in mind, ang goal parin ay dapat maging profitable at hindi kung saan makakatipid.

Kung mahal sa instagram pero maganda ang balik ng ROI tuloy mo lang ang pagaadvertise.

6. Ang relevance score

Ito yun Facebook ad metric na nagtatansya kung relevant ba ang advertisement mo sa target audience.

Which means, sakto ang description mo sa advertisement pati sa target audience mas liliit ang cost mo.

Kapag mali ang targeting mo at hindi sila interested sa ads mo, hindi nila papansinin ang ads mo at possible ireport pa nila.

Makikita ito ni Facebook na bad experience at dahil jan papataasin niya ang cost ng ads mo.

Have a goal na lagi improve ang ads at itesting mo ang targeting mo.

Once na marami ang nageengage at nagcclick sa ads mo, makikita ito ni facebook ads na good user experience at lalu pa niya ipapakita ang advertisement mo.

In result, mas mataas ang reach and clicks na maabot ng ads mo plus mababa lang ang cost.

5 Strategies para mapababa ang Facebook ads price Philippines cost

Ngayon, naiintindihan mo na kung bakit connected ang system ni Facebook ads sa pagbaba ng cost.

Kahit na maraming factors ang dahil kung bakit tumataas ang cost, itong strategies ang makakatulong sayo para lalu mo mapababa ang facebook ads price philippines this 2021.

1. Test your ads

Kapag gagawa ka ng Facebook ads, make sure na gumawa ka ng 3 types na medyo similar na ads, pero may konting pagkakaiba.

Importante ito dahil bawat audience sa Facebook nagrereact sa iba’t ibang angulo ng advertisement.

For example sa ginawa ng Scoro kung makikita mo may isa lang siyang binago sa ads pero almost similar siya.

facebook ads split testing

Naiintindihan ng scoro marketing team na iba iba ang reaction ng bawat tao sa mga ads na nakikita nila.

Minsan kahit na sa isang maliit na edit nagagawa nilang mas converting ang ads.

Dahil dito, mas nakakatipid at namamaximize nila ang budget na binibigay nila kay Facebook ads.

Isa sa madala na mistake ng mga Facebook advertiser ay nasa comfort zone lang sila.

Gagawa lang sila ng ad tapos hahayaan na nila without testing and improving the ad.

Marami narin akong nakitang business ay mas nagawa nilang maging profitable to almost 96% ng ads nila dahil sa pagsplit test.

Hindi mo talaga malalaman ang resulta unless na subukan ito.

Make sure na palagi mo lang itest ang ads mo at kapag nakita mo na kaya mo pa improve subukan mo lang din siya.

Always challenge yourself to improve your ads and stay away from your comfort zone.

2. Always try new version of your ads

Isa sa makakatulong sayo bumaba ang cost kapag may bagong version ng Facebook ad mo.

Hindi lang dahil magiging bago sa mata ng audience mo pero may times din na bababa na ang performance ng isang effective ad.

Keep in mind na hindi mo naman kailangan mag back to zero pag gagawa ng ads.

Pwede mo parin gamitin ang effective na ad mo, ibahin mo lang yun angulo, offer or pwedeng video naman ang gamitin mo.

Learn from your past data and experience at lagi mo iisipin kung paano mo pa iimprove ang ads mo.

For example sa ads ng penny hoarder mula sa serious na offer ginawa nilang ibang angulo na may emoji.

Facebook ads price philippines improve ads testing

Nagawa nilang makapag produce ng mas effective na ad dahil lagi sila gumagamit ng new and improved ads.

3. Always check your ad frequency

Ang ad frequency ang magsasabi sayo kung ilang beses na nakikita ng target audience mo ang ads mo.

Nangyayari ito madalas dahil sa 2 factors na ito

  • Hindi ka na nakakapagreach sa ibang audience
  • Hindi nagcoconvert ang ads mo sa target audience mo.

Kung mas mataas ang frequency ng ads mo, ibig sabihin hindi pinapansin at hindi nag eengage ang audience mo sa ads which means higher Facebook ads price Philippines this 2021

Minsan kailangan talaga makita paulit – ulit ng audience mo ang ads mo para magconvert pero I believe much better kung less than 3 lang ang kailangan para mapaconvert mo sila.

Have a goal na palagi mo icheck ang frequency score at ichallenge mo sarili mo na paabutin na less than 2.

Kung masyadong mataas ang frequency score, possible na ioff mo na muna ito or much better kung improve mo pa ang ads.

Pwede mo rin itry ang ibang targeting at baka hindi lang relevant masyado ang targeting mo sa ads mo.

4. Focus ka sa objective na pinili mo

Kapag gagawa ka ng Facebook ad, una sa itatanong sayo ay kung ano ang objective mo.

Marami ang nagkakamali dito dahil iba ang goal ng facebook ad nila sa objective na pinili nila.

For example, nakasulat sa ads nila ay magcomment sa post pero ang pinili nilang objective ay magclick.

Dahil dito, hindi maooptimize ni Facebook ad sa mga tao na gusto mo mareach ng ads mo.

Isa rin sa makakatulong sayo na bumaba ang cost ay kapag natulungan mo si Facebook ad sa objective na pinili mo.

Halimbawa, pinili mo ay engagement, kapag nakakuha ng maraming engagement ang ads mo, binababa ni Facebook ad ang cost.

Magagawa mo yun kapag clear ka sa objective na gusto mo makuha at yun din ang goal mo sa ads na ginagawa mo.

Dahil dito, makakaiwas din ng confusion ang audience mo at magiging smooth ang conversion.

Ito ang rin ang makakatulong sayo para unti unti bumaba ang facebook ads price philippines this 2021 sa mga campaigns mo.

5. Gamit ka ng remarketing campaigns

Sa tingin mo, sino ang usually mas makikinig sayo?

Yun tao na hindi ka kilala? Or yun matagal ka ng kakilala?

Ito ang power ng remarketing campaigns.

Dahil sa facebook ads magagawa mong matarget yun mga tao na nagengage sa website o kaya sa Facebook page mo.

Magagawa mo ito sa custom audience tool ng Facebook ads para matarget mo ito sa mga campaigns mo.

Since medyo kilala ka na ng mga tao na iyon, most likely mas makikinig sila sa mga offer na inaadvertise mo.

Since kakilala ka rin nila, most likely mas mageengage sila

Pinakita ko rin mismo ang exact remarketing strategy ko sa Facebook ads para mapababa ang cost dito sa training

Kabuuan: Magkano ang Facebook ads Price Philippines cost?

Mula sa topic na ito, nakita natin na marami talagang factors na umaapekto sa cost ng advertising sa Facebook ads.

Keep in mind, sa lahat ng factors na ito, ikaw parin ang masusunod kung ano ang budget ang kaya mo ilagay kay Facebook ads.

Ang importante dito, kailangan ilagay mo lang yun budget na magiging comfortable para sayo at magbibigay sayo ng peace of mind na kahit hindi maganda ang resulta at least nagkaroon ka ng data.

Marami kasi ang nagkakamali, nilalagay nila ang savings nila at dahil dito, lalu silang nawawalan ng control sa finances nila.

Kapag ginagamit mo na ang budget mo, lagi mo tandaan na itest mo ang campaigns mo para masulit mo yun bawat binabayad mo kay Facebook ads.

Personally, naniniwala ako na ang best way parin na tignan ang Facebook ads ay kung saan ka magiging profitable.

Marami kasi ang palagi focus ay gastos pero kung profitable naman ang campaign mo, Naniniwala ako na sulit parin ito ituloy.

Once nagawa mo ng profitable at winning ang ads mo, doon mo na problemahin kung paano mo ibaba ang cost ng Facebook ads price Philippines this 2021.

Sa lahat ng napagusapan tandaan ulit natin yun mga factors na nagaapekto ng facebook ads campaign.

  • Competitors
  • Objective na pinili
  • Target Audience
  • Facebook ad placement
  • Oras ng pagadvertise
  • Relevant ang ads sa target audience

Para mapababa ang cost ng facebook ads ito ang mga pwede mo gawin.

  • Test your ads.
  • Always try new version of your ads
  • Check your Facebook ad frequency score
  • Focus on your objective
  • Gamit ka ng remarketing campaigns

By the way, beginner ka ba sa Facebook ads at hindi ka pa nakakapagtry?

Mayroon akong naprepare para sayo na Free Facebook ads crash course at dinesign ko yun para sa mga nagsisimula pa lang.

Shinare ko dito yun mga exactong Facebook ads samples na naging effective para sa akin at pwede mo ito imodel sa sarili mong business.

Kung gusto mo simulan ito, kindly click the image below para marequest ng libre.

Facebook ads price philippines crash course

Ano ang budget na willing kang ilagay para sa Facebook ads campaign mo? Share it below

#raymondtabaque #facebookads #Facebookadsphilippines

Share this post!

Raymond Tabaque is an entrepreneur, speaker, and digital marketing consultant. He has helped more than 23,000 Filipinos shift their businesses through digital marketing. He started learning digital marketing since 2015 and helped business owners and entrepreneurs implement digital marketing in their businesses.

3 thoughts on “Facebook ads Price Philippines 2021 [Must Follow Steps sa Cheaper Ads]”

  1. Hi sir. Ask ko lng paano po ba ako makahingi ng idea n ma boost ko mga post lahat po kasi boost unavailable na. Apat n page. Can u help pls. And can u make a boost for my business? Looking forward po s reply nyo tnx

    Reply

Leave a Comment

FREE Online Training

How To Find Highly Interested Prospects Willing To Buy Your Products Easily Without Convincing Your Friends and Family Even Strangers