fbpx

Facebook Ads Pixel 2021: Explained in Tagalog for Beginners | Philippines

Share this post!

Facebook ads pixel 2021 ang isa sa pinaka importante na mayroon dapat ang isang Fb advertiser.

Ito ang makakatulong sayo para makilala ni Facebook ang mga ideal audience na pumupunta at bumibili sa websites, products and offer mo.

Inexplain ko sa video na ito step by step kung paano ba gamitin ang facebook pixel at ano ang purpose nito at bakit malaking advantage kapag ginagamit mo ito sa strategy mo. Watch it below

Isa sa pinaka importanteng feature ng Facebook ads ay ang paggamit ng pixel dahil dito ka lalu matutulungan ni Fb sa paghanap ng mga ideal customers mo.

Ito ang ginagamit ni Fb ads para lalu pa niyang maaral at mahanap yun mga target audience na gusto mo ipahanap sa kanya.

Buti na lang na may ganitong technology na si Facebook para lalu pa niya matulungan ang mga marketers at advertisers sa pagimprove ng kanilang business.

Always be open sa mga bagong updates na binibingay ni Fb at kahit na medyo technical siya lagi ka magfind ng time na aralin ito para maimplement mo agad sa business mo.

Alam naman natin na hindi talaga magaling si Facebook ads na magexplain kung paano ba ginagamit ang mga tools nila dahil sobrang technical ng explanation pero hopefully mas maintindihan mo dahil dito sa mga training blogs na shinashare ko sayo.

Expect mo na consistently magiimprove itong facebook ads pixel 2021 dahil gusto ka talagang tulungan ni fb na magkaroon ng resulta jan sa business mo using their platform.

Always keep in mind na ang goal din nila ay tulungan ka dahil once na natutulungan ka nila, naiintindihan nila na lalu kang magaadvertise sa platform nila. Win win situation siya.

Matanong ko nga pala sayo, naguumpisa ka pa lang ba at hindi mo pa nasisimulan magfacebook ads?

If yes, medyo challenging talaga siya sa umpisa dahil si Facebook pixel kailangan ng data para lalu pang maging matalino yun fb pixel code nila.

Ibig sabihin sa maguumpisa ka talaga sa detailed targeting and don’t worry mayroon akong solution para sayo lalu na kung naguumpisa ka pa lang.

May hinanda din kasi ako sayong step by step detailed explanation kung paano ba makahanap ng mga audience targeting para sayo.

Inexplain ko din doon in detail kung bakit ito magiging magandang targeting para mapabilis na natin yun research mo at maguide pa kita ng maigi. Okay ba sayo yun?

Kung interested kang simulan ito, proceed na tayo sa next topic by clicking the image below

facebook ads targeting thumbnail

Sa lahat ng natutunan natin dito sa training post na ito bigyan lang kita ng ilang key points

Key Point # 1: Create facebook pixel

As soon as possible mas malaki ang advantage kapag nakapagsimula ka na gamitin ang Facebook pixel dahil para mas maaral ni Fb ang website, offer or products mo kailangan niya ng data at oras.

Kapag mas maaga mo maimplement ang Facebook ads pixel 2021 sa website mo mas mabilis niya makukuha yun resulta na gusto mo makuha sa kanya.

I understand na medyo magiging challenging siya sa umpisa dahil kailangan mo ng website at sales funnel para makagamit ng Fb pixel, hopefully kasama ito sa long term goal mo sa business mo.

Hopefully in the near future add facebook pixel to wordpress or add facebook pixel to shopify depende sa gagamitin mong website at business mo.

Key Point # 2: Facebook is your business partner

Isa sa misconception ng mga advertiser na against ang facebook sa kanilang business dahil sa higpit at mga bagong updates.

Sa totoo lang, lalu nagiging techy si Fb ads everytime na iniimprove niya ang system or may bago siyang updates and sadly hindi rin nila ineexplain sa very simple terms kung ano yun nagbago.

Sadly ito madalas ang nagbibigay ng frustration sa mga facebook advertisers lalu na yun mga naguumpisa pa lang.

Ang hindi nila nakikita ay lalung tumatalino at nagiimprove ang system ni Facebook ads at dahil dito evertime na ginagamit mo ito para siyang nagiging business partner mo sa paghahanap ng ideal customers.

Sobrang powerful ng system na pinapagamit satin ni Facebook ads kaya always find the time na maging patient sa kanya and research kung paano gagamitin ang mga bagong updates and tools niya.

Don’t worry I’ll do my best na iupdate ka din sa mga tools, features and strategies ni Facebook ads kaya make sure na palagi ka lang updated dito sa blog ko.

Always treat Facebook ads as your business partner na tutulong sayo para igrow pa lalu ang business at makuha ang goals mo.

Key Point # 3: Always improve your sales process

Sa training na ito nagkaroon tayo ng idea kung gaano kaganda ang facebook pixel para matulungan tayo sa offer, products and business natin.

Always keep in mind na kahit na gaano kaganda ang system ni Facebook ads pixel 2021, trabaho parin natin as advertisers, marketers or entrepreneurs na pagandahin ang offer at sales process natin.

Trabaho lang ni Facebook ads ay magpapunta ng mga targeted audiences na most likely na bibili pero trabaho parin natin para ibenta ito at ipakita sa mga audience na iyon na maganda ang produkto natin.

Dito madalas naisstuck ang karamihan ng mga nag aads sa Facebook dahil masyado lang sila nakaasa sa system ni Facebook ads.

Kinakalimutan na nila na sila dapat ang nagbebenta at nageeducate sa mga tao kung gaano nakakatulong yun products or services nila para sa target audience nila.

Alam natin na si Facebook ads ay isang business partner natin na tutulong satin para mahanap yun mga most likely na bibili pero wag naman natin iwan ang partner natin na si Facebook.

Once nagagawa natin yun trabaho natin sa pagimprove ng sales process at si Facebook nagagawa niya na makahanap ng most likely bibili ng offer.

Doon mo magagawa na maging scalable ang business mo at unti unti mo makukuha ang goals mo dahil sa mga sales na maproproduce mo sa tulong ni Facebook ads.

Facebook ads pixel 2021 ay isa sa pinaka powerful tool na pinapahiram sa atin ni Fb kaya make sure na magamit natin ito ng maigi at the same time na gawin din natin ang responsibilities natin.

Sa paggamit ng Facebook pixel, lagi mo tatandaan na it requires patience at consistent learning sa atin para lalu pa natin ito maunwaan at magamit sa pagrow ng business natin.

By the way, marami pa akong tips na pwedeng makatulong sayo para mas maunawaan mo ang paggamit sa Facebook ads sa social media accounts ko.

Pwede mo rin ako ifollow sa mga social media accounts ko

Facebook page https://www.facebook.com/rtabaque

Instagram https://instagram.com/rgtabaque

Linkedin https://www.linkedin.com/in/rgtabaque/

Kung sakali naman na beginner ka pa talaga at hindi ka pa nakakapagsimula na gumamit ng Fb ads.

May hinanda akong free fb ads crash course na pwede mo simulan para maguide ka ng maigi at makaiwas ka sa mga mistakes.

Nagshare din ako doon ng mga facebook ads samples na pwede makatulong sayo para mayroon kang guide at maimodel na magagamit mo jan sa promotions and business mo.

Kung interested kang matutunan ito, para makapagsimula ka ng maigi sa facebook ads ngayong 2021,

Kindly click the image below para marequest ito sa website ko ng libre at makapagsimula ka na ng tama using Facebook advertisement.

Free Facebook ads training philippines

Question ko sayo, nasubukan mo na ba gamitina ng Facebook pixel para sa offer, products or services mo?

#raymondtabaque #Facebookadsphilippines #Facebookads

Share this post!

Raymond Tabaque is an entrepreneur, speaker, and digital marketing consultant. He has helped more than 23,000 Filipinos shift their businesses through digital marketing. He started learning digital marketing since 2015 and helped business owners and entrepreneurs implement digital marketing in their businesses.

Leave a Comment

FREE Online Training

How To Find Highly Interested Prospects Willing To Buy Your Products Easily Without Convincing Your Friends and Family Even Strangers