fbpx

5 Facebook Ads Mistakes na DAPAT Iwasan Para Hindi Sayang Pera 2021

Share this post!

Facebook ads mistakes na dapat mo malaman para maiwasan mo na maubos ang budget mo at magawa mong profitable ang fb ads this 2021.

Inexplain ko step by step sa video na ito para masundan at makatulong sayo na hindi masayang ang pera mo at magawa mo pang mas effective ang facebook ads mo. Watch it here

Maraming beses na mararanasan ng mga magsisimula sa Facebook ads ay ang mga pagkakamali at normal lang yun dahil kasama talaga yun sa learning journey.

Hindi mo talaga magagawa na maging magaling sa paggawa ng ads kapag hindi mo nararanasan ang facebook ads fail.

Magagawa lang natin bilang advertisers ay enjoyin lang yun journey and open sa pag-aaral at paghahanap ng solution.

Hopefully nakakuha ka ng idea mula dito sa video na ito dahil yan ang mismong mistakes na naranasan ko na nagbigay ng malaking learning experience sa akin.

Most ng mistakes jan ay nagproduce sakin ng mga bad facebook ads na naging malaking singil sakin bandang huli.

Sa totoo lang, malaki ang naging apekto sa akin ng mga ads with mistakes samples and tips na ito pero ang ginawa tinanggap ko na lang at natuto mula sa experience.

Yun din sana ang gusto mo mapraktis mo na skill which is to accept and learn from mistakes dahil yan ang magpapalakas at magbibigay sayo ng malaking confidence sa pagiging facebook advertiser.

Don’t worry I will do my best na bigyan pa kita ng mga ideas and tips na pwedeng makatulong sayo para mapabilis pa lalu ang pag master mo sa skill ng facebook ads dito sa website ko.

Sa next topic nagshare pa ako ng ilang tips na dapat mo malaman bago ka rin gumawa ng Facebook ads para maiwasan mo pa ang mga expensive mistakes.

Related ito dito sa topic ko na facebook ads mistakes and I strongly believe kapag nalaman at naimplement mo itong tips na shinare ko sa next video mas magkakaroon ka ng magandang foundation sa pagsimula ng fb ads.

Kung gusto mo matutunan ito para makapagsimula ka ng tama using fb ads sa business, products or offer mo. Simply click the image below

facebook ads philippines 2021

The best part, tagalog ito kaya madali mo din ito mauunawaan at masusundan.

Once na nalaman mo yan mga tips na iyan naniniwala ako na magiging ready ka na magsimula para gawin ang first ad mo.

Expect mo narin na magkakamali ka sa paggawa ng mga facebook ad set examples pero mas magkakaroon ka ng basic knowledge para maiwasan ang facebook marketing mistakes.

Kahit na marami ka mapapanood or makikitang mga facebook ads training or mentors naniniwala ako na mas matututo ka parin kapag naexperience mo at ginawa mo na yun fb ads.

Learn from mistakes and always have a goal to grow bigger than any problem that you experience.

Gusto ko lang kita bigyan ng mga key points regarding sa topic na ito.

Key Point # 1: Facebook is a social media not a sales website.

Isa ito sa biggest facebook ads mistakes na nararanasan ng mga nagsisimula sa Facebook ad.

Akala nila, na basta ipost lang ang product nila, offer or services mayroon na agad na magiging interested pero sa totoo lang iba talaga ang diskarte sa facebook.

Ang mga tao, naglologin sa facebook para makipagsocialize at maentertain at iba naman ang goal ng mga tao kapag naglogin sila sa lazada, shopee or any other selling websites.

Kaya bilang advertiser kailangan magawa mong align yun products and offer mo doon sa mindset ng mga tao na naglologin sa facebook.

Bago sila magtiwala sayo at magclick para bisitahin ang offer kailangan makapag provide ka muna ng value, entertainment or education para mapagkatiwalaan ka ng mga target audience mo.

Malaking factor din kung bakit nagmamahal ang ads cost, or hindi nagiging maganda ang resulta ng ads dahil hindi ka pa nila pinagkakatiwalaan.

Kapag walang trust or hindi ka nageffort para makapag build ng relationship sa mga target audience mo, hindi sila mag iinteract sa ads mo. Which means lower performance.

Always keep in mind na ibida mo muna yun goals at gusto ng mga tao bago mo ibida yun mga gusto mo na gawin nila.

Dito mo magagawa na mas makaiwas pa ng mga facebook ads mistakes at mas mapaganda mo pa ang performance ng ads mo.

Key Point # 2: Keep your Facebook ads simple

Sa sobrang dami ng information, kailangan mo imagine na sobrang distracted na rin ang target audience mo.

Once na magawa mong komplikado ang facebook ads mo, lalu silang macoconfuse at hindi na tutuloy sa inaadvertise mo.

Dahil jan, malaking chance na tataas ang cost per result mo, plus malaking chance na bababa talaga ang performace ng Facebook ads.

Isang way para magawa mong simple ang ads mo, kailangan isa lang ang ipapagawa mo sa kanila or ang goal mo sa kanila sa advertisement mo.

Mag cclick ba sila sa website? or magmemessage ba or magcocomment? Kailangan klarong klaro sayo yan dahil once na nakapagcreate ng confusion, expect mo bababa ang conversion.

Bago ka gumawa ng facebook ads, subukan mo muna panoorin or aralin yun ads mo mismo.

Kailangan kahit na bata kayang kaya maintindihan yun ipapagawa mo sa advertisement mo para mas maraming ang makapaginteract sa facebook ads mo.

By the way mayroon din akong topic dito na regarding sa facebook ads strategy na baka makatulong din sayo.

Kung interested ka doon iclick mo lang yun image jan sa baba.

Best Facebook ads Philippines Strategy 2021

Naniniwala ako na mas magbibigay pa sayo ng clarity yan training post na yan para mas makapagconstruct ka pa ng effective na Facebook ads.

Always be open to learning and implement new strategies at siyempre itesting mo ito.

Always keep in mind din na mas mahahanap mo ang effective na facebook ads sa pagtetest at pagsubok ng iba’t ibang angulo dahil iba iba ang personality ng mga tao.

Walang perfect way sa paggawa ng facebook ads, you learn it from mistakes, errors and experiences pero yun maganda pwede ka palagi magstart sa maliit na budget para mapababa mo yun risk mo.

Doon mo magagawa na hindi masayang ang budget at pera mo at lalu ka mapunta doon sa profitable ads para igrow yan products or services mo.

Key Point # 3: Have patience in improving

Sa umpisa pa lang, kailangan matanggap mo na agad na hindi ka gagaling sa Facebook ads sa mabilis na paraan.

Ang online advertising or sa Facebook ads isa siyang skill na kailangan ipractice, masterin at maunawaan para maging magaling.

Kung naalala mo yun first time na natuto tayo maglakad, nung mga umpisa most of the time nadapa tayo at kinakapa natin kung paano yun tamang pagtayo para lang makalakad.

Ang pagaaral at pagiging magaling sa facebook ads ay parang pagaaral sa paglalakad. We will commit mistakes pero yun mga hindi tumigil sila ang tunay na matututo at magiging skilled sa paggamit ng fb ads.

Yun mga nakakaintindi ng patience at pagtanggap na kailangan ng oras na matutunan ang skill na ito yun ang most na nakakacommit ng konting facebook ads mistakes dahil nag take sila ng time para aralin at mag move on kung sakaling nakacommit din sila ng mistakes.

Sobrang laki ng benefit kapag marunong ka gumamit ng facebook ads dahil marami rin sa mga business owners ngayon ay nangangailangan ng tulong para mapaincrease ang sales at prospects nila sa kanilang business.

Malaking tulong din ito kung sakaling nagdecide ka magtayo ng sarili mong business para matest mo ang idea mo or mapaincrease mo ang sales mo jan sa offer or product mo.

Sa learning journey mo sa paggamit ng Fb ads pati narin sa pagaaral nitong Facebook ads mistakes, I hope na maenjoy mo lang siya and instead na maging frustrated ka sa mga mistakes be excited sa growth na natutunan mo.

Always be open to new learnings and have the patience to improve your skills, yan din kasi ang tutulong sayo para mapataas mo pa ang value mo bilang isang business owner or facebook advertiser.

By the way, I will do my best to help you in your facebook ads learning journey by giving you tips, trainings, tutorials and experiences para makaiwas ka pa sa mga fb ads mistakes.

Ipopost ko yun sa mga social media accounts ko kaya kung may questions ka rin you can simply reach out to my accounts here.

Facebook page https://www.facebook.com/rtabaque

Instagram https://instagram.com/rgtabaque

Linkedin https://www.linkedin.com/in/rgtabaque/

Regarding din pala sa mga step by step training mayroon din akong hinanda para sayo na mas easy to follow guide na tamang tama para sa mga nagsisimula pa lang.

Mayroon akong hinanda para sayo na mas detailed pa ng mga kailangan gawin para makapagsimula ng tama at makapag avoid ka pa sa mga facebook ads mistakes na pwede mo pa maranasan lalu na this 2021.

Tawag ko doon ay Free Facebook ads crash course at ito rin nirerecommend ko sa mga nageemail at nagrereach out sa akin regarding sa mas detailed step by step din for beginners.

Pinakita ko rin sa crash course na ito ang mga mismong samples na ginagamit ko na nakapagproduce sa akin ng magandang resulta kaya pwedeng pwede mo yun imodel jan sa strategy mo.

Kung interested kang matutunan at madiscover ito para magamit mo sa current strategy and business mo simply click the image below

Free Facebook ads training philippines

Ano ang pinaka naging facebook ads mistake na naexperience mo? Comment it below.

#raymondtabaque #Facebookadsphilippines #Facebookads

Share this post!

Raymond Tabaque is an entrepreneur, speaker, and digital marketing consultant. He has helped more than 23,000 Filipinos shift their businesses through digital marketing. He started learning digital marketing since 2015 and helped business owners and entrepreneurs implement digital marketing in their businesses.

2 thoughts on “5 Facebook Ads Mistakes na DAPAT Iwasan Para Hindi Sayang Pera 2021”

Leave a Comment

FREE Online Training

How To Find Highly Interested Prospects Willing To Buy Your Products Easily Without Convincing Your Friends and Family Even Strangers