fbpx

3 Easy Ways To Lower Facebook Ads Cost Philippines in 2021 | TAGALOG

Share this post!

Easy to follow tips para mapababa ang Facebook ads cost Philippines in 2021. Dito mo masusulit ang budget mo at mas maparami mo ang resulta gamit ang Fb ads

Ang cost ng Facebook ads mo ay nakadepende sa maraming factors katulad ng audience, objective, ad copy etc.

Dahil gusto kita bigyan ng idea kung paano mo mapapababa ang facebook ads cost Philippines mo this 2021.

Ishare ko sayo ang 3 reasons kung bakit tumataas ang ads cost at paraan kung paano ito masosolve para sa mas effective na ads.

Mula sa video na ito I hope nakita mo ang ilang factors kung bakit tumataas ang cost per result ng isang Facebook ads.

As bonus sa post na ito share ko sayo ang 3 ways kung paano mo pa mapapababa ang facebook ads cost philippines this 2021.

Para mas maunawaan natin ang average facebook ads cost pwede tayo magrefer dito sa chart sa baba mula sa wordstream.com

Online advertising costs Facebook Ads average cost per acquisition

Average cost per action on Facebook

Mula sa chart na ito makikita mo na nakadepende rin ang ads cost sa industry na kinabibilangan mo.

Nakabase dito na ang pinaka mataas na ads cost ay ang nasa technology industry samantala ang pinaka mababa ay ang nasa education industry.

Sinasabi dito na 18usd or mga 900php kada cost per action ang average amount.

Para sa karamihan lalu na sa mga nagsisimula, medyo mataas pa ito para sa kanilang business.

Dahil jan, ito ang 9 ways or steps na pwede mo gawin para mas mapababa ang cost mo at mas dumami ang reach ng facebook advertising mo.

1. Target a more specific audience.

Isa sa malaking factor kung bakit tumataas ang ads cost ay dahil hindi related ang targeting sa offer or description ng advertisement.

Ito ang tinatawag na ad relevancy.

Si Facebook ads mayroon siyang ad relevancy score at ito ang nagdedetermine kung gusto ng target audience ang advertisement mo.

Kapag maganda ang reaction ng target audience mo sa advertisement na pinapakita mo sa kanila, magbibigay ito ng magandang score kay Facebook.

Makikita ito ni Facebook na good content ang advertisement mo.

Paano mo ba mapapataas ang ad relevancy para mapababa mo pa ang cost mo?

Kailangan kilala mo ang target audience mo at kung ano ang nasa isip at pinoproblema nila.

Kailangan maparelate mo ang product mo sa mga target audience mo para ishare at icomment nila ito.

Halimbawa, nagbebenta ka ng NBA Michael Jordan basketball jersey sa Facebook ads.

Option A: Ipakita mo ito sa lahat ng tao na mahilig sa basket ball.

Option B: Ipakita mo ito sa mga mahihilig sa basketball at mahilig kay Michael Jordan?

Pwede rin ilagay sa ad description mo ay mga fun facts tungkol kay Michael jordan para lalu pa sila maentertain at maging interested sa jersey na inooffer mo.

Hindi lang jersey ang product mo pero something na naging related sila dahil napakita mo sa tamang tao at nasabi mo ang tamang message sa target audience mo.

Ito ang pwede na magbigay ng magandang relevancy score sa Facebook ads mo at possible ireward ka at ibababa niya ang ads cost mo.

Paano malalaman yun eksaktong target audience mo?

Mayroon akong video dito kung paano ko inaaral ang mga target audience at naghahanap ng mga profitable interest sa Facebook.

Once na masakto mo ang target audience mo sa messaging at delivery ng offer mo.

Doon mo magagawang relevant ang ads mo at pwedeng makapagproduce ng lower ads cost at maraming reach.

2. Test Your Facebook Ads Well

Isa sa pinaka importanteng skill ng bawat Facebook advertiser ay ang pagtry ng iba’t ibang angulo at offer sa kanyang product.

Iba iba ang personality ang characteristic ng bawat user sa facebook kaya importante na may iba’t ibang paraan ka kung paano mo iprepresenta ang offer mo.

Halimbawa kapag nagooffer ka ng NBA Basketball Jersey ni Michael Jordan.

Pwedeng may tatlong approach ka sa Facebook ads mo.

Approach # 1: Direct to the point at presyo ng jersey at kung paano bilhin.

Approach # 2: Short story tungkol sa jersey at kung bakit special ang jersey Hal: Ito ginamit niya para manalo ng 2 championship.

Approach # 3: Fun fact tungkol kay Michael Jordan at kung bakit mahalaga na makolekta nila ito.

Ang tawag dito sa proseso na ito ay ang split testing at ito ang isa sa importanteng ginagawa ng mga advertiser para mapababa ang cost at mapataas ang effectivity ng Facebook ads.

Kung gusto mo ng step by step training kung paano ginagawa itong split testing na process na ito.

May hinanda din akong video para sayo watch it here

Sobrang importante na maging creative ka pagdating sa split testing.

Once nagkaroon ka ng idea, wag ka maghesitate na hindi siya subukan at itest at malay mo ito ang magbibigay sayo ng magandang resulta sa ads mo.

3. Learn from Other Effective Facebook ads Samples to lower Facebook ads cost philippines

Isa sa pinaka makakatulong sayo na bumaba ang cost at mas maging effective ang ads ay mo dapat improve ang advertisement mo.

Ang best way para magawa yun ay imodel ang mga effective advertisements na ginawa ng competitors mo.

Isa sa mga factors kung bakit nagtataas ang cost ay dahil sa ad fatigue.

Ibig sabihin ng ad fatigue, paulit ulit na nakikita ng audience mo yun ads mo at unti unti narin sila nauumay.

Since palagi nila ito nakikita at walang changes ang nangyayari, magkakaroon ng time na automatic na sa kanila na ignore ang ads na ginawa mo.

Maiiwasan mo ito sa pamamagitan ng pagtry ng ibang forms of ads.

Kung hindi mo pa natry ang videos baka oras na para itry ito.

Kung hindi mo pa nattry ang carousel ads, baka pwede mo narin ito itry.

Kapag nagkaroon ka ng ideas kung paano mo iprepresenta ang offer or ads mo itry mo lang siya.

Ang best way para magkaroon ka palagi ng ideas ay aralin at imodel mo yun mga ads ng mga competitors mo.

May hinanda din akong video para sayo at pinili ko dito ang ilan sa mga effective ads na pwede mo subukan.

Always keep in mind na palagi ka magtry ng bago at ichallenge ang sarili mo na improve pa ang advertisement na ginagamit mo.

Itong 3 reasons and solutions na ito ay ilan lang sa mga factors na nakakaapekto ng facebook ads cost philippines this 2021.

As much as possible importante din sa routine mo na magaral about new trends pagdating sa Facebook ads.

Ito ang makakatulong sayo para palagi maging prepared at madali makaadjust sa mga bagong changes na ibibigay ni Facebook ads.

Good news dito, I will do my best na iguide ka at magbigay sayo ng mga updates regarding sa Facebook ads.

Kaya palagi ka lang maging updated dito sa blog ko dahil dito ko pinopost ang mga new trainings, tutorials and news about Facebook ads.

Oo nga pala, nagpopost din ako sa mga social media accounts ko ng mga quick tips and trainings about facebook ads and digital marketing.

Ang goal ko ay matulungan ka na magkaroon ng skills na ito para magamit mo sa promotions mo na dumami ang prospects and sales sa business mo.

Kung interested ka doon sa mga tips and trainings pwede mo ako ifollow dito sa mga links na nasa ibaba.

Facebook page https://www.facebook.com/rtabaque

Instagram https://instagram.com/rgtabaque

Linkedin https://www.linkedin.com/in/rgtabaque/

Ask ko din pala kung beginner ka at kailangan mo ng step by step beginners guide sa Facebook ads?

May hinanda akong free crash course na pwedeng makatulong sayo at ito din ang nirerecommend ko sa mga nagsisimula sa Facebook ads.

Dinesign ko ito para sa mga nagsisimula at shinare ko dito ang ilang tips na kailangan mo implement para mas makaiwas ka sa mga expensive mistakes sa Facebook ads.

Shinare ko rin dito ang ilang Facebook ads effective samples na ginamit ko na pwede mo rin imodel at gamitin mo sa business mo.

Mas makakatulong sayo ito para hindi ka maligaw at magkaroon ka ng guiding steps kung ano yun mga umpisang kailangan gawin.

I believe na makakatulong sayo ang crash course na ito lalu na kung interested kang magsimula at yun good news libre lang ito at pwede mo irequest sa website ko.

If interested, iclick mo lang yun image sa baba para marequest mo ito ng libre.

Facebook ads crash course benta online

Sa lahat ng napagusapan natin, alin sa mga ito ang gusto mo subukan para improve ang Facebook ads performance mo?

Lagi mo rin ba nararanasan ang mataas na Facebook ads cost Philippines this 2021?

#facebookadscost #facebookadsphilippines #raymondtabaque

Share this post!

Raymond Tabaque is an entrepreneur, speaker, and digital marketing consultant. He has helped more than 23,000 Filipinos shift their businesses through digital marketing. He started learning digital marketing since 2015 and helped business owners and entrepreneurs implement digital marketing in their businesses.

5 thoughts on “3 Easy Ways To Lower Facebook Ads Cost Philippines in 2021 | TAGALOG”

Leave a Comment

FREE Online Training

How To Find Highly Interested Prospects Willing To Buy Your Products Easily Without Convincing Your Friends and Family Even Strangers