fbpx

Facebook Ads and IOS 14 Update Full Tagalog Explanation and Solutions | FB Tips Philippines 2021

Share this post!

Facebook ads and Ios 14 – Solutions and Explanations na kailangan mo malaman.

Inexplain ko yun dito sa video step by step para makapaghanda ka sa mga mangyayaring changes ni Facebook ads sa kanyang system dahil sa IOS 14

Sobrang dami ang nangyayari sa Facebook ads dahil sa IOS 14 update na iniimplement ni Apple sa kanyang mga devices.

Dahil dito marami ang nagtatanong at nacoconfuse kung ano ba ang pwedeng mangyari dito at bakit ang daming binabago ni Facebook ads.

Sa totoo lang, ang changes hindi natin yan maiiwasan dahil kasama yan sa journey natin bilang isang Facebook advertiser pero kailangan natin magadapt and keep on adjusting sa mga nangyayari.

Expect talaga natin na marami ang mangyayaring changes dito sa Facebook kaya dapat maging handa tayo palagi at wag na wag kang aasa sa Facebook ads.

Make sure na palagi mo ikeep in mind yun natutunan mo dito sa video na ito at aksyunan mo agad yun solution na shinare ko para handa ang websites at offer mo sa update ni Apple Ios kay Facebook.

Pwede mo rin ito imodel para makasabay ka sa changes at kahit papaano magagawa mo parin maging kumpleto ang promotions mo gamit ang power ng Facebook ads.

To Summarize

Point # 1: Be open to changes

Kailangan natin tanggapin as Facebook advertisers na palagi nagbabago ang policy at patakaran ni Facebook ads.

Once na nakatanggap ng bagong changes kailangan hindi tayo maging emotional dito at magfocus tayo sa solution.

Wala tayo magagawa para pilitin yun hindi na gumagana dahil nakikigamit lang tayo ng platform ni Facebook. Be flexible to changes and always adapt

Point # 2: Wag aasa kay Facebook ads

Kailangan sa mabilis na paraan matanggap mo na si Facebook ads ay iisang traffic strategy lamang.

Hindi siya ang puno’t dulo at marami pang paraan para makapagattract ng mga highly interested prospects para jan sa offer at services na pinopromote mo.

Always be open and implement new strategies at wag lahat ay nakaasa kay Facebook ads

Point # 3: Focus on improving your offer

Sa mga natutunan mo sa video na ito, nakita mo na hindi na talaga ganun ka reliable na umasa lamang sa system at algorithm ni Facebook ads.

Kailangan maimprove din natin ang sales process natin para kahit na hindi nagcocooperate yun system ni Facebook ads.

Magagawa mo parin ito maconvert at maging profitable dahil maganda at very convincing ang offer mo.

Focus on improving your conversions and less sa pagrerely sa Facebook ads.

By the way sa lahat ng update ng Apple IOS 14 at Facebook gusto mo ba matutunan kung paano ka makakapagsimula ng tama sa Facebook ads?

Kinompile ko dito step by step sa blog para makapagsimula ka ng tama dito sa Facebook ads

Click here para makita ang mga step by step trainings

By the way, naranasan mo narin ba ang mga changes na nangyayari kay Facebook ads dahil sa Apple Ios update? Post it below yun mga experiences na nangyari sayo.

Pwede mo rin ako ifollow sa mga social media accounts ko

Facebook page https://www.facebook.com/rtabaque

Instagram https://instagram.com/rgtabaque

Linkedin https://www.linkedin.com/in/rgtabaque/

By the way gusto mo ba ng mas detailed na step by step guide kung paano magsimula gamitin ang Facebook ads dito sa Philippines?

May hinanda akong Free Crash course para mas ma gabayan ka pa ng maigi kung ano ang mga kailangan gawin para makapagsimula ng tama.

Kung interesado ka dito para magamit mo sa offer or products and services mo.

Iclick mo lang yun image sa baba para marequest ito ng libre

Facebook ads rejected

See you sa next videos and posts

#Facebookadsphilippines #Facebookadstagalog #raymondtabaque

Share this post!

Raymond Tabaque is an entrepreneur, speaker, and digital marketing consultant. He has helped more than 23,000 Filipinos shift their businesses through digital marketing. He started learning digital marketing since 2015 and helped business owners and entrepreneurs implement digital marketing in their businesses.

4 thoughts on “Facebook Ads and IOS 14 Update Full Tagalog Explanation and Solutions | FB Tips Philippines 2021”

  1. Nice video.. tanong lang sa fb ads. Nagtry kasi aq mag testing ng ads. Nka sched sya ng april 30 to may 1 2021 ng 9am. Image lng muna ang ginwa ko, kumbaga nagpapa warm up muna aq bago ko isalang video ads ko. Kaso dito sa campaign na ginawa ba brand awareness. Dpat nag run n sya kanina kaso wla dumadating na mga results. Nag notify nmn sya na approved na ung ads ko at your ad is scheduled or running. Tama nman ang date ko. Kaso wla mga result wla din nbbwas sa money spent. Ang gulo na heheh anong mgandanvg gawin

    Reply
    • HI Dung possible yan ay baka mababa ang budget na nilagay mo or sa cp mo siya ginawa.

      Pwede mo itry na gumawa ulit ng panibago pero sa computer mo siya gawin tapos mas mataas na budget at subukan mo lang kung mag run.

      Kung ayaw parin baka pwede ka magpatulong sa support page ng facebook

      You go here para sa support page nila >> https://web.facebook.com/business/help/support?_rdc=1&_rdr

      Hope this helps!

      Reply

Leave a Comment

FREE Online Training

How To Find Highly Interested Prospects Willing To Buy Your Products Easily Without Convincing Your Friends and Family Even Strangers