fbpx

Effective Facebook Ads Philippines 2021 | 7 Best Practices na Dapat gawin

Share this post!

Effective Facebook ads Philippines ang madalas na hinahanap ng mga nagsisimula sa paggawa ng Fb advertising.

Sa dami rin kasi ng paraan sa paggawa ng Facebook ads, minsan nakakalito rin kung paano makakakuha ng effective ad na nagproproduce ng magandang profit.

May hinanda akong tutorial para sayo at pinakita ko dito ang exact strategy na ginagamit ko para makapagproduce ng effective facebook ads philippines this 2021.

Pwede mo imodel ang exact steps at strategy na ginagawa ko by watching the video below

Dahil sa Facebook ads, mas madali makapagcreate ng effective advertising dahil sa data na nakokolekta niya sa bawat users ng platform.

Kasama dito ang location, age, gender pati narin ang mga interest.

Since alam nila kung ano ang gusto ng users nila, nagagawa nila ipakita yun products mo sa mga most likely bibili at interested sa industry or niche na kinabibilangan mo.

Kung gusto mo pa malaman kung paano ka pa makakapagcreate ng effective facebook ads philippines para magawa mo itong effective.

Pagusapan pa natin ito dito sa post na ginawa ko para magkaroon ka pa ng idea sa pagcreate ng sarili mong effective and successful na Facebook ads this 2021.

Bago tayo magsimula sa 7 best practices to an effective facebook ads,

Kailangan makita natin ang data na mayroon si Facebook para magkaroon ka ng birds eye view sa pagcreate ng Facebook ads.

Effective Facebook ads Philippines – Data Summary

Ito ang ilan sa mga importanteng statistics na kailangan mo malaman tungkol sa Facebook advertising.

Kabuuan ng Facebook Statistics

  • Una ang Facebook sa pagkakaroon ng almost 1 billion registered users at mayroon silang 2.6 billion monthly active users according sa Statista.
  • Sa Quarter 1 ng 2020, Kumita ang Facebook sa halaga ng 17.44billion USD sa pamamagitan ng ad revenue.
  • Mayroon 1.62 billion mobile daily active Facebook users at 88% ng Facebook users ay nasa platform para makapagconnect sa mga kaibigan at kamag-anak nila.
  • 33% sa mga users ay naglologin para lamang sa entertainment according ito sa statista.
  • Estimate ng social network na 5% of monthly active users are fake accounts.
  • Mayroon 300 million daily active users naman ang Facebook stories.

Facebook Demographics Numbers

  • Sa 9.8% ng global active Facebook users ay mga kababaihan sa edad na 18 – 24 years old at kalalakihan ay nasa 25 – 34 years old base sa Statista.com
  • Pinaka marami ay nasa edad na 25 – 34
  • 23% ay nasa 18 – 24
  • 32% ay nasa 25 – 34
  • 9.3% ay nasa 45 – 54
  • 6.3% ay nasa 55 – 64
  • 4.7% ay nasa 65+

Facebook Advertising by the Numbers

  • 90 – 95% ng mga social media marketers ay nagsasabi na ang Facebook ang pinaka effective advertising platform.
  • On average kada Facebook user ay nagcclick ng 11 advertisment kada buwan.
  • Base sa report ni Facebook na 4% ay nangagaling sa mobile advertising revenue.

Paano Gumawa ng Effective Facebook ads?

Para makagawa ka ng effective facebook ads philippines importante na maipakita mo ang product mo sa specific audience na interested sa offer mo.

Proven na sa maraming companies ang effective na paggamit ng Facebook ads at simple lang naman para matutunan ito gamitin.

Magandang opportunity ito para sa bawat maliliit na negosyante para makapagreach out sa maraming tao gamit ang social media.

Lalu na sa panahon 2021, most ng mga tao ay nakatambay na sa social media kaya ang laki ng kawalan kapag hindi mo ito masimulan.

Bago matapos ang post na ito, magkakaroon ka ng idea kung paano makapagsetup ng effective Facebook ads Philippines campaign at ang mga kailangan mo ikeep in mind kapag gagawa ka ng campaigns mo.

Ano ang kagandahan ng Facebook ads?

Here are 3 main reason kung bakit kailangan mo din isipin na ilagay ang Facebook ads sa marketing strategy mo.

1. Pwede ka makagawa ng ads depende sa objective mo.

Hindi katulad sa traditional advertising na ipapakita mo lang kung sino-sino ang advertisement mo.

Pero dahil kay Facebook ads magagawa mo ito matarget base sa objective na ipapagawa mo sa kanya.

For example, gusto mo ng may tao magclick sa website mo?

Pwede mo ipagawa yun kay Facebook ads specifically at bawat action mattrack mo ito.

Dahil dito, masusulit mo talaga nag budget mo dahil narereach niya ang specific goal na gusto mo gawin niya sa sales process mo.

Para sa mas detailed explanation pa kung paano nagwowork ang objectives mayroon din akong tutorial dito para sayo.

2. Pwede mo piliin ang Target Audience mo.

Pagdating sa traditional advertising, wala kang choice kundi itarget mo ang lahat ng tao.

For example kapag nagadvertise ka sa TV o radyo at produkto mo ay basketball shoes.

Lahat ng tao iaadvertise ng platform na iyon kahit na mga hindi mahilig sa basketball or sports.

Kahit mga bata, matanda, baby itatarget ng advertising na iyon dahil wala kang control.

Dahil sa Facebook ads, nasa iyo ang control dahil mapipili mo specifically yun mga tao na interested sa offer at products mo.

Magkakaroon ka ng opportunity na matarget ang specific age, interest, location pati narin ang social status ng bawat user ng facebook ads.

Sa example natin pwede mo itarget ang mga mahihilig sa NBA, mahilig kay lebron james or michael jordan.

Ganun ka powerful si Facebook ads kaya marami nagsasabi na ito ang best advertising platform ngayon 2021.

3. Maraming opportunities para mareach ang target audience.

Sa Facebook ads, mayroon tinatawag na custom audiences at ito ang isa sa pinaka powerful tool of advertising.

Ang ginagawa ng lookalike audience ay aaralin niya yun mga mismong mga tao na nanood ng video or ads mo at hahanapin niya yun mga most likely na katulad nila.

Which means, opportunity ito para magreach out sa mga tao na hindi mo pa naiimaigine maging interested sa offer mo.

Marereach out yun mga tao na most likely magclick, purchase or magsubscribe base sa data na pinag-aralan sa ads mo,

Advance at futuristic ang method na ito kaya sobrang convenient kahit na sa mga nagsisimula pa lang mag advertise or magbenta online.

Base sa 3 main benefits na ito para makagawa ng effective facebook ads, kaunti pa lang yan sa pwede mo gawin sa loob ng platform.

I hope na naexcite ka dito at paano ba magsimula sa pagcreate ng effective facebook ads philippines this 2021.

Starting Your Effective Facebook ads Philippines

So paano nga ba magsimula sa paggamit ng Facebook advertising?

Yun maganda very simple and easy to use lang ang platform nila pero kailangan mo parin masanay sa paggamit nito.

Once na paulit ulit mo siyang ginagamit makukuha mo din siya at makakapagsimula ka ng sarili mong Facebook ad.

Para matulungan ka sa pagsetup ng Facebook ads account mo.
Mayroon din akong ginawang step by step video para sayo.

Ngayon may idea ka na kung paano gumawa ng ads sa facebook simula na tayo sa 7 Best Practices sa paggawa ng effective facebook ads philippines this 2021

1. Identify Your Advertising Goal

Una sa lahat para makapagcreate ng effective facebook ads philippines ay dapat alam mo ang goal mo.

Once na gagawa ka ng campaign, ano ba ang gusto mo makuha?

Views? Clicks? Leads? Sales? Etc.

Halimbawa ang goal mo ay mapalawak ang brand mo at maraming tao ang magcomment sa ads mo.

Once na defined ang goal doon ka makakagawa ng diskarte sa paggawa ng ads at pagpili ng objective ng ads mo.

Dahil sa goal na iyan, mas gagawa ka ng entertaining na ad or description na mageencourage sa kanila mag comment.

Pwedeng advertisement mo ay nagtatapos sa question.

Which do you like best? Purple or black?

Kung sales naman ang goal mo ang magiging advertisement mo ay inencourage silang magclick sa website mo at the same time iexplain ang benefits ng products mo.

Base sa examples na ito, nakadepende sa goal ang magiging starting strategy mo.

Bago ka gumawa ng Facebook ads, always take the time para iplano ng maigi ang gusto mo makuha mula sa Facebook ads.

Identify your goal well dahil dito ka makakapagdecide kung anong approach ang gagawin mo.

2. Pumili ng Specific Objective

Pagkatapos mo magplano ng goal mo sa Facebook ads ang next step ay ang pagpili ng objectives.

Dito mo sasabihin kay Facebook kung anong klaseng resulta ang gusto mo ipahanap sa kanya.

Alam natin na matalino ang system niya at alam na alam niya yun behaviour ng bawat user.

Which means alam niya kung sino

  • Mahilig magcomment
  • Mahilig maglike
  • Mahilig manood ng video
  • Recently bumili online
  • etc.

Ganyan kapowerful ang system ni Facebook at magagawa mo hanapin niya ito sa pamamagitan ng objective.

Imagine maipapakita mo ang product mo sa mga tao na may past buying history which means ito ang mga tao na comfortable na bumili online.

Once na gumawa ka ng ads tatanungin ka ni Facebook na ano ang objective mo?

objectives fb ads

Sobrang importante na pillin mo yun objective na nagmamatch sa goal mo at gusto mong resulta mula kay Facebook.

Kapag pipili ka ng objective ito ang mga options

  • Brand awareness: Ipapakita ni Facebook sa most likely makakaalala ng brand mo
  • Reach: Ipapakita ni Facebook sa maraming tao.
  • Traffic: Ipapakita ni Facebook sa mga tao na most likely nagvivisit ng websites.
  • Engagement: Ipapakita ni Facebook sa mga mahilig magcomment at magshare ng content.
  • App installs: Ipapakita sa mga tao na mahilig magdownload ng mga apps.
  • Video views: Ipapakita ni Facebook sa mga mahilig manood ng Video
  • Lead generation: Makakagawa ka ng form kung saan pwede magsubscribe ang mga target audience mo.
  • Messages: Ipapakita ni Facebook sa mga mahihilig magmessage at inquire.
  • Conversions: Ipapakita ni Facebook sa mga most likely nagsubscribe or purchase sa mga websites labas ni Facebook.
  • Catalog sales: Ipapakita ni Facebook sa mga tao na mahilig magexplore ng mga catalog sales.
  • Store traffic: Kapag brick and mortar ang office or store mo, ipapakita ni Facebook sa mga tao na most likely pupunta sa physical store mo.

Mula sa mga options na ito, very crucial ang objective na pipiliin mo para makuha mo ang resulta na gusto mo makuha.

Kung makikita mo sa list na yan, alam na alam talaga ni Facebook ang bawat behaviour ng kanyang audience.

Ito rin yun makakatulong sayo para makagawa ka ng mga effective Facebook ads Philippines para mahanap yun mga eksaktong tao na yun.

Sobrang importante nitong objectives kaya gumawa din ako ng mas detailed explanation dito sa video na ito.

Shinare ko jan kung bakit mahalaga ang objectives at kung ano ang purpose ng bawat isa.

Choose your Facebook marketing objectives wisely na magmamatch sa goal mo.

3. Target your audience

Hindi lang objective ang importante pero dapat match ang product mo sa mga tamang tao na itatarget mo.

Isa sa madalas na pagkakamali ng advertiser kaya hindi nakakakuha ng effective facebook ads philippines this 2021
ay dahil tinatarget niya ang lahat ng tao.

Always remember ang basic rule of marketing.

“If you are targeting everyone, you are targeting to no one”

Dapat maging specific ka sa targeting mo para sulit ang budget mo at siyempre mas mag engage, magclick at hindi nila ignore ang ads mo.

Ang maganda sa Facebook ads, may option para pumili ng target audience at pwede ka maging specific dito.

Kung gusto mo targeten ang mga tao na mahilig sa basketball.

Pwedeng pwede yan kay Facebook ads.

Ito ang ilan sa mga options na pwede mo gawin sa Facebook ads targeting.

  • Location – Pwede ka pumili ng country or city kung saan magfofocus ang ads mo. Pwede mo rin iset ang range ng ads mo mula sa pinili mong location.
  • Age – Pwede mo piliin yun age range ng target audience mo.
  • Gender – Pwede ka magfocus sa babae or lalake na audience sa Facebook.
  • Language – Ito mo itarget ang ads mo sa mga specific languages na alam nila.
  • Detailed Targeting – Dito mo matatarget ang iba’t ibang interest ng target audience mo.

Ito ang example ng adset targeting kapag gumawa ka ng Facebook ads

facebook ads targeting

Ang key ay mamatch mo ang target audience mo sa message na ilalagay mo sa ads.

Kaya bago ka gumawa ng ads dapat alam mo kung ano yun palaging pinoproblema ng target audience mo at mapresenta mo yun message ng ads mo as the solution.

Gusto ko rin ishare sayo yun mismong process ko kapag naghahanap ako ng target audience.

Keep in mind na kapag mas kilala mo yun target audience mo at makonekta mo yun pinoproblema nila doon sa message ng ads mo.

Doon mo magagawa magkaroon ng effective facebook ads philippines this 2021.

Know your target market!

4. Message Your Facebook ads Well

Ito ang magpapalakas ng effectivity ng Facebook ads mo this 2021.

Ito ang skill of ng isang facebook ad copywriter

Ang copywriting ay words that sells at kapag gumagawa ka ng ads kailangan maibenta mo yun idea na dapat iclick or magcomment sila sa advertisement mo.

Once na hindi mo magawa yun, most of the time iignore na lang ang facebook ads mo at hindi ka makakakuha ng resulta.

Bigyan kita ng ilang key ideas para maimplement mo ito sa paggawa ng Facebook ads description mo.

Kapag gagawa ka na ng ad copy at lalagyan mo na ito ng description ito ang ilan key concepts.

  1. Focus on the benefits – Ano ba ang maitutulong ng product or ng ads mo sa kanila? Bakit kailangan nila makinig at ano ang ginhawa na makukuha nila kapag sumunod sila sayo?
  2. What’s in it for me? – Kailangan bigyan ng malaking reason kung bakit siya makikinig sayo. Importante ang oras at attention ng target audience mo. Sa unang sentence kailangan may makuha agad sila sa ads mo.
  3. Call To Action – Pagkatapos nila makinig ano ang next na gagawin nila? Kailangan maguide mo sila ng maigi kung ano yun next step. Magclick ba sila? or magcomment?
  4. Keep ads simple and easy to understand – Sa bawat advertisement dapat isa lang ang ipapagawa mo para hindi sila malito. Once na malito hindi na nila ito gagawin or susundan.

Para bigyan ka pa ng idea kung paano ginagawa itong effective facebook ads philippine copywriting this 2021.

Share ko sayo ang isang effective fb ads sample na ginamit ko na nakapagproduce ng massive sales sa business ko

Gusto mo ba yun? Para mayroon kang facebook ad copy template.

If yes watch this video below

Always remember na ang pinaka bida ng advertisement mo ay hindi dapat ang product or business.

Ito ang problems at mga gusto ng audience mo.

Sila dapat ang bida at lagi mo pinaguusapan kung paano mo pa sila matutulungan.

5. Try Using Different Types of Effective Facebook Ads Philippines

Bago mo ipublish ang Facebook ads, kailangan maging aware ka din sa mga different types of ads na pwede mo gawin.

Bawat Facebook user may iba’t ibang behaviour sa pag react or pag interact sa mga advertisement.

For example kapag tanungin kita, lahat ba ng images sa Facebook nagiinteract ka? Or mas nanonood ka ng video?

Possible baka hindi ka talaga nag iinteract sa mga ads pero sa mga different users ng Facebook nagiinteract sila depende sa advertisement na nakita nila.

Alam ni Facebook ads yun at pwede mo rin yun gamitin para makapagcreate ng best facebook ads 2020

Alam niya yun mga tao na palagi lang nanonood ng video
Alam din niya yun hindi nanonood ng video at nagcclick lang sa mga images.

Para bigyan kita ng summary regarding ito, mayroon din akong tinest na ads at kinumpara ko ang video ads pati narin ang image ads.

Kung gusto mo makita itong analysis na ginawa ko kindly watch the video below

Kaya importante na aware ka rin sa different kinds of ads sa Facebook dahil pwede mo rin ito isama sa goal mo.

Ito rin ang makakatulong sayo para makagawa ng facebook advertising strategy.

Ano ano ba itong different kinds of ads na ito?

1. Image Ads

Ito ang pinaka simpleng Facebook ads at pinaka madaling gawin.

Ito ang advertisement na common makikita mo sa Facebook newsfeed mo at images lang ang ginamit nila sa advertisement nila.

Yun maganda rin dito adjustable ang facebook ad size kaya very easy to setup ito.

effective facebook ads philippines image

Sabi nga nila

A picture is worth a Thousand Words

Ito ang malaking reason kung bakit effective ang image ads at worth it mo din subukan sa mga strategies mo.

Ang maganda rin sa image ads, madali lang siyang maintindihan at very straight to the point.

Ang key dito, kailangan eye catching ang image ads mo, pwede ka gumagamit ng mga colors at iedit yun image para mas kuha attention ito.

Sobrang simple lang gawin ito, basically once na gumawa ka ng ads, iupload mo lang ito sa facebook ads at gumawa ng description and tapos na.

2. Video Ads

effective facebook video ads philippines

Isang alternative sa image ads ay ang Video ads.

Madalas nagwowork ito para sa mg tao na mahilig manood ng videos.

Isang effective type of Facebook ad din ang video ads dahil mas marami kang pwedeng gawin sa Video ads.

Dahil sa video makakapagshare ka ng stories, tutorials, vlogs na makakatulong na maging credible ang brand mo pati ang business mo.

Mas credible kasi ang video kumpara sa image ads dahil tunay na nakikita nila kapag pinapanood nila sa video.

Ito rin ang madalas na nirerecommend ni Facebook ads dahil base sa pag-aaral ng Fb sa data most likely nagtatake action ang user after manood ng video ad.

Madalas na tinatanong ay kung gaano katagal dapat ang isang Facebook video ad.

Mula sa personal experience ko, ang importante ay masabi mo yun message na gusto mo sabihin sa video mo.

Nakapagrun na ako ng mga effective videos ads ranging sa 5 – 10 minutes and so far nagiging effective parin siya dahil malinaw yun message na shinare ko.

Sa kalahatan magandang type of Facebook ad ang video para mabigyan ng information at mas maipakita sa target audience mo ang main benefits ng products mo.

3. Carousel Ads

Gusto mo ba makapagcreate ng unique ads either informational or entertaining?

If yes, I believe Facebook carousel ads ang pwedeng makatulong sa goal mo.

Ang maganda sa carousel ads, very unique siya dahil sa kanyang user experience.

Usually ang mga facebook users ay sanay na sa scroll up ng kanilang feed pero dahils a carousel ads left to right na.

Sa carousel ads pwede ka maglagay ng 10 videos or images para ipakita ang information about your products.

Or pwede mo rin gawin ang creative facebook ads na ito na parang story book.

fb advertisement carousel

Kung makikita mo ang goal nila ay ipakita na para sa adventurous ang gear na pinopromote nila.

Kaya ginawa nilang parang story of adventure ang ads nila sa tulong ng carousel ads.

Pwedeng pwede ka makagawa ng clever facebook ads gamit ang carousel ads.

Once again, balik ka sa goal mo sa paggawa ng ads at kung connected ito especially to inform or entertain your audience.

Magandang choice din na gamitin ang facebook carousel ads.

4. Story ads

Isa sa madalas na paborito puntahan ng mga facebook users ay ang stories.

Yun good news sa mga advertisers nagaallow na si facebook na maglagay ng ads sa stories.

Ang mga ads na ito ay full screen ads na nakavertical video format.

Always keep in mind ang facebook ad specs ng story ads.

story advertisement

Sobrang powerful nito dahil once na nasa stories ang facebook user buong attention ay nakalagay lang sa ads mo.

Since full screen ito, hindi sila madidistract sa newsfeed at advertisement mo lang ang makikita nila.

Kung mahilig ka gumawa ng stories which are short vertical videos I believe maganda din subukan ang facebook story ads.

5. Messenger ads

Kung ang goal mo ay makausap at mag inquire sayo ang audience mo, messenger ads ang best ad type na itry.

Once na makita nila ang messenger ads mo sa newsfeed at nagclick sila.

messenger advertisement

Mareredirect sila sa messenger ng page mo at doon pwede mo sila makachat para lalu mo pa maexplain ang products at masagot ang questions nila.

Usually ito ang pabority ng mga nagsisimula dahil mapropromote mo ang products mo kahit na wala kang website.

Magagamit mo siya kahit na Facebook page lang. ang gamit mo.

Best type of ad ito kapag nagsisimula at kung gusto mo pa makausap at masagot ang lahat ng questions ng audience mo para maguide sila papunta sa sale.

Mula sa mga types of ads na ito, marami ka talaga makukuhang idea para magawa mo ang goal mo

Yun maganda sa Facebook ads, binibigyan ka niya ng freedom para itry ang mga different types of ads na ito para magawa mong realidad ang marketing goal mo.

6. Keep on Testing and Improving Your Effective Facebook Ads Philippines

Isa sa skill ng isang effective facebook advertiser ay makapagcompose ng iba’t ibang paraan kung paano ipromote ang offer.

For example nagbebenta ka ng Lacoste tshirt.

Pwede ka gumawa ng 3 ads na may iba’t ibang angulo

Ad # 1: Grab our buy 1 take promo etc.

Ad # 2: Almost 30,000 Filipinos love this brand new Lacoste shirt

Ad # 3: Want to look good whenever you are invited in a party?

Importante na may iba’t iba kang angulo sa pagpresenta mo ng offer mo dahil iba iba ang personality at characteristic ng target audience mo.

Ito ang concept ng split testing at importante ito para makapagproduce ng effective facebook ads philippines this 2021.

Actually, marami pa talaga nalilito sa concept na ito kaya mayroon din akong tutorial para sayo kung paano ko ginagawa ang split testing.

Pwede mo ito imodel para mayroon kang guide kapag gagawa ka ng split testing strategy mo sa mga facebook ads mo.

Sobrang importante ang split testing sa bawat campaign mo para mas masulit mo ang budget mo at mas marami ka maproduce na resulta mula sa Facebook ads mo.

Kaya kapag naging curious at may gusto ka subukan, itesting mo lang siya dahil hindi mo malalaman unless na subukan mo.

7. Scale Your Effective Facebook Ads by Having Different Offers

Ito ang madalas na nalilimutan ng mga nagfacebook advertisers.

Most of the time masyado silang focus doon sa current product nila at once na bumili tapos na.

Isa rin sa nagiging problem ay kapag masyadong maliit ang kinikita nila sa product at mas lumalaki ang gastos nila sa facebook ads.

Para masolve ito, kailangan hindi ka masyadong attached sa product na pinopromote mo at kailangan mayroon kang iba’t ibang offer.

Naexperience mo ba yun time na bumili ka sa fast food at tinanong ka,

Gusto mo ba ng large fries and drinks? Ano usually ang sagot mo?

Possible na tumanggi ka pero majority ng nakakausap nila ay pumapayag kasi sino ba naman ang hindi mahilig sa soft drinks at fries diba?

Ito ang tinatawag nilang upsell at dapat mayroon karin nito para mas tumaas pa ang balik ng ginastos mo.

I believe ito yun pinaka best way para mascale up mo ang sales mo using Facebook ads.

Usually breakeven talaga sa unang transaction mula sa ads tapos ang magdodoble ng income mo ay yun after transaction pa.

Paano ba ginagawa itong upsell na ito?

May hinanda akong short video explanation para sayo at inexplain ko mismo ang proseso na ito.

Mula sa konsepto ng upsell jan mo magagawa na madoble o baka mas madagdagan pa ang productivity ng effective facebook ads mo.

Always keep in mind na ang dapat tamang mindset kapag gagawa ka ng Facebook ads ay ang magkano ang pwedeng kitain mo instead na magkano ang matitipid ko.

Once you adjust to the right mindset doon ka makakapagcreate ng iba’ t – ibang offers na pwede pa makatulong sa target audiences mo.

What’s the next step to create Effective Facebook ads Philippines?

Mula sa post na ito I believe nakakuha ka ng idea kung paano ka makakagawa ng sarili mong effective facebook ads Philippines this 2021

Siyempre ang importante dito ay magtake action at unti unti ka maging familiar sa paggawa ng facebook ads.

Pero ang best way para hindi ka malito ay imodel mo yun mga advertisement na proven na nagiging effective.

Hindi mo naman talaga kailangan implement ang lahat ng strategies at tips para sa effective ads.

Ang importante, maimplement mo yun mga nagwowork na at yun ay maging observant ka sa Facebook newsfeed mo.

Once na may nakita kang effective na ads itake note mo agad yun or isave mo para maisipan mo ng angulo kung paano mo iimplement sa current products or services mo.

As bonus, may ginawa din ako para sayo na analysis video at pinakita ko dito ang ilan sa mga effective na Facebook ads.

Kung naghahanap ka ng mga efffective ads na pwedeng magsilbing guide para hindi ka malito sa pagcreate ng ads.

I believe makakatulong ang facebook ads samples 2020 na nasa loob ng video na ito. (Watch below)

I hope na ready ka na implement ang mga natutunan mo at habang iniimplement mo ang mga nadiscover mo.

Unti unti ka na magkakaroon ng data so ang next goal ay paano mo gagawin na sulit ang bawat budget na nilalagay mo sa Facebook ads mo.

Dito sa next topic na hinanda ko para sayo, shinare ko ang mga dapat na malaman mo pagdating sa facebook advertising cost at kung paano mo pa magagawang effective ang ads na hindi gumagastos ng malaki.

Kung ready ka na sa next topic click mo lang yun image sa baba.

effective facebook ads cost philippines

Sa sobrang bilis ng pagbabago sa Facebook importante na palagi ka up to date sa mga trends na nangyayari.

I will do my best na magbigay sayo ng mga updated trainings, information and tutorial na pwedeng makatulong sayo sa facebook ads journey mo.

Make sure na palagi ka updated dito sa blog ko para sa mga bagong tutorials and rainings na nilalabas ko.

By the way, nagpopost din ako ng. mgaquick tutorials, tips and information na pwede pa makatulong sayo para maging updated sa Facebook ads.

Pinopost ko ito sa mga social media accounts ko kaya kung interested ka dito make sure na ivisit at ifollow mo ako sa mga social media links below.

Facebook page https://www.facebook.com/rtabaque

Instagram https://instagram.com/rgtabaque

Linkedin https://www.linkedin.com/in/rgtabaque/

Tanong ko narin kung beginner ka ba sa paggamit ng Facebook ads?

Mayroon din kasi akong hinanda na step by step Facebook ads crash course at libre lang ito dito sa website ko.

Designed ang crash course na ito para sa mga baguhan at pinakita ko rin dito. ang ilan pa sa mga effective facebook ads na ginamit ko na nakapagproduce ng resulta.

Kung gusto mo ng step by step guide or blueprint na susundan mo para makapagsimula ng tama.

I highly recommend na makakatulong sayo ang free Facebook ads crash course na ito para sayo.

Kung interested kang simulan ang crash course na ito para makapagsimula ka ng tama.

Pwede mo ito irequest ng libre by clicking the image below

Facebook ads crash course benta online

Sa lahat ng diniscuss natin dito sa post na ito, ano ang pinaka gusto. mo itry na type of Facebook ad?

Image ads or video ads?

#facebookads #facebookadsphilippines #raymondtabaque


Share this post!

Raymond Tabaque is an entrepreneur, speaker, and digital marketing consultant. He has helped more than 23,000 Filipinos shift their businesses through digital marketing. He started learning digital marketing since 2015 and helped business owners and entrepreneurs implement digital marketing in their businesses.

Leave a Comment

FREE Online Training

How To Find Highly Interested Prospects Willing To Buy Your Products Easily Without Convincing Your Friends and Family Even Strangers